Chapter 10

1.2M 25.9K 19.7K
                                    

Chapter 10
Jealous

We did it again and again and again last night. I'm really sore pero nagawa ko pa ring bumangon kaagad nang makitang wala sa aking tabi si Sean.

Was it a dream? But I can still feel him between my thighs, I know it wasn't a dream. Then did he change his mind? Will our situation will be back to the way it was before after what happened last night? Lasing lang ba siya kagabi kaya niya nasabi ang mga bagay na makakapagpanatili sa akin?

Ilan lang 'yan sa mga katungang naglalaro sa isipan ko habang pababa ako, patungo sa sala at nang makitang wala doon si Sean ay napanghinaan na ako ng loob. I glanced at the fancy wallclock at the wall and saw that it was already ten in the morning. He probably went to the office already.

Malamya ang aking paglakad patungo sa may kusina upang sana ay kumain na nang biglang mabuhayan ang aking loob sa pagkakakita kay Sean na nagbabasa ng diyaryo sa kabisera ng hapag kainan.

"Sean..." gulat kong sambit sa kaniyang pangalan.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. Nang ngumiti siya sa akin ay halos lumipad na ang kaluluwa ko sa langit.

It wasn't a dream! Everything that happened last night was real!

"Good morning." he greeted me. "Kumain ka na."

Ilang sandali rin akong napatulala kakatitig sa kaniya ngunit agad ko ring dinala sa realidad ang aking sarili't naglakad patungo sa hapag kainan.

Ngumuso naman ako't tinignan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Na-aawkwardan ako sa sa aming dalawa. Siguro'y ganito talaga sa umpisa.

"Nasaan si Manang?" tanong ko sa kaniya nang hindi ko matagalan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I told her to continue resting at ako na ang magluluto para sa ating dalawa." sagot niya. "I also told her na hindi ka na aalis. She's happy for us."

Napangiti naman ako't ginanahang kumuha ng maraming pagkain. It's my first time to taste a food that Sean cooked.

He put the newspaper down and looked at me, savouring the bacon and eggs that he fried and fried rice that he sautéed.

"Nakakain ka ba ng maayos kahapon? I think you're losing weight." medyo nag-aalala niyang sabi sa akin. "I hope starting from today, you'll always eat heavy meals."

Hindi ako makapaniwala na naririnig ko na ang mga ganitong salita na puno nang pag-aalala galing kay Sean. Yung para bang hindi siya yung nagsasabi ng mga salitang 'yon? Para bang may script lang siya at hindi talaga sa kaniya galing 'yon. Kahit simple lang para sa ibang babae ang mga sinasabi niya ngayon sakin, para sakin ay abot-abot ang sayang nararamdaman ko.

"Hindi naman ako palaging kumakain ng heavy meals. Mabilis rin akong mabusog paminsan-minsan." sabi ko.

"Well, I hope that you'll somehow change that kind of lifestyle. Health is always a first." sabi naman niya.

"Don't worry about me. I can take care of myself." I smiled and assured him.

"You don't have to take care of yourself because I'll be here to protect you too." he seriously told me.

"Uh... Sabi ko nga." sabi ko nalang at nag-iwas na nang tingin sa kaniya't nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin naman ako ulit sa kaniya nang malapit na akong matapos kumain dahil tumayo sa kaniyang kinauupuan.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon