Level 65

3.6K 170 20
                                    

"Lex, saan ka pupunta?" Nahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang sigaw ni Nico.

"Call of nature, una na akoo!" Umakto ako na tila nahihirapan para mas mabisa ang palusot ko pero iba nalang ang pamumula ng mukha ko ng makita ko na nasa likod ko pala si Kairo, na ngayon ay may nakakalokong ngisi.

"I'll send you home then." Hindi na maipinta ang pamumula sa mukha ko nang mapansin ang pagpipigil nito ng ngiti.

Shit, nakakahiya!

"H-Hindi na, una na ako!" Sigaw ko bago siya lagpasan at mabilis nang tumakbo papunta sa sasakyan ko.

I lied, alright. With that lame excuse, 'yon kasi ang unang pumasok sa isip ko at mukhang naniwala naman sila.

I sighed after I decided to start the engine.

Naalala ko ang nangyari noong gabing 'yon, pag katapos ng nangyari ay napagpasyahan muna namin magsama sama at nang mag umaga ay saka lang kami nagpasyang umuwi.

At ang pag eensayo na hindi natuloy ay hindi na muling napag usapan..

I almost forgot, the game already informed me about the players I'm about to find. Hindi ko alam kung paano ko sila pakikisamahan pero bahala na, sa ngayon ay wala akong magagawa kung hindi sundin muna ang game, ayokong may kahit sinong mapahamak, simple pa naman ang task ko, siguro pag delikado na ito saka ko nalang iisipin ang tamang gawin.

Huminto ako sa isang hindi malayong unibersidad mula sa skwelahan ko, ang Western University.

"Frances Luna and Unica Chavez." Pag basa kong muli sa pangalan na dapat kong hanapin.

Pinili kong pumarada muna saglit sa hindi kalayuan bago mag pasyang lumabas ng sasakyan.

"Good afternoon po! May hinahanap po ako," Pagbati ko sa guard ng school, bahagya itong natigilan pagkatapos ay nginitian ako.

"Magandang hapon po, miss. Ano pong sadya niyo?"

"Kuya naglabasan na po ba ang mga studyante? By any chance, may kilala po ba kayong Frances Luna or Unica Chavez?" Kumunot ang noo nito at napakamot sa ulo.

"Pasensya na miss, sa dami ng studyante dito, hindi ko na kilala lahat." Pag hingi nito na paumanhin.

"Bakit mo kami hinahanap?" Isang babaeng may maikling buhok ang lumapit sa'kin, katabi nito ay isa pang babae na medyo may katangkaran.

Naramdaman ko ang paglitaw ng marka ko sa ginawang paglapit nito, sila na ba ang hinahanap ko?

Itinaas ko ang tingin ko sa mukha ng dalawang babae sa harap ko, by staring at them, I can say that they really are a player, sila na nga marahil ang misyon ko.

"Do we have any business with you?" Sunod na tanong nito ng hindi ako magsalita.

"Ah.. Ano kasi," hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanila, should I tell them about my mission or simply befriend them?

Gosh, that's a bit creepy, baka lalo silang maghinala.

"Alright, let's cut this, Levitica Xyre, isn't it?" Diretsong tanong nito ng hindi na nasundan ang sinabi ko.

Puno ng pagtataka ang mga mata ko ng muli ko itong tinignan, ngumisi lang ito bago magsalita muli. "You're here because of your mission, right?"

"Uh," Should I tell them? Sabi ng game 'wag daw sabihin kahit kanino.

"We knew it, the game notified us about you." Saad niya.

Then I guess keeping it a secret is already useless.

"Let's go." Aya sa'kin ng isa pang babaeng kasama niya.

"H-Huh?" Naguguluhan kong tanong dito.

"We'll hangout, sasama ka ba?" Walang ganang tanong nito.

I was left with no choice, this is my task. They somehow look harmless, I guess?

"Y-Yeah." Tango lang ang sinagot nito at nag lakad na.

"By the way, I'm Frances, she's Unica." Turo nito sa naunang babae. Ngayon ay medyo nakangiti na ito.

"Levi." Tipid kong sagot dito.

"You brought your car? Convoy nalang." Tango ang isinagot ko bago mag pasyang bumalik sa sasakyan ko.

Good, God.  What is this mess that I got myself into?

××××
Hi, @Eunicast and @FrancesLavigneLuna this chapter is for you. Sana magustuhan niyo. Thank you for supporting my story. 💖💖

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon