Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff

75 1 0
                                    


Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff

"Hello, Helaena?" Paunang sabi ni Cahli nang sa wakas ay sagutin na din ng kaibigan ang kanyang tawag.


"Cahli, napatawag ka?"


"Nasa'n kaba? Ano bang ginagawa mo? Kanina pa kita tinatawagan ah." Inis na sabi nito.


"Ay, galit agad?" Sabi ng nagbibirong si Helaena. "Nasa kalagitnaan ako ng interview kaninang tumatawag ka. Alanganaman sagutin ko, diba?"


"Interview for?"


"Nasa Makati ako ngayon. Nag a-apply ng trabaho. Alam mo naman ang sitwasyon ko at ng Pamilya ko."

"Ewan ko sa'yo. Sabi ko naman sa'yo pwedeng pwede ka namang mag apply sa kumpanya nami diba? Ayaw mo naman."


"Ilang beses ko din bang sasabihin sa'yo na, okay lang ako. Kaya ko. Ayokong isipin ng iba na kaya lang ako nakapasok sa trabaho dahil kaibigan ko ang anak ng may-ari nito."


"Shame on you and your pride and your ego. Tss!"


"Cahli, kung sesermonan mo lang ako, pwede ba mamaya nalang? Lilibutin ko pa lahat ng kumpanya dito sa Makati hangga't matanggap ako sa trabaho."


"Oopps! Wait. Don't hang up yet." Pigil ni Cahli sa kaibigan. "The main reason why I called you is because of Brylle."


"What about him?"


"Hindi kapa ba niya tinatawagan o pinupuntahan?"


Hindi sumagot sa Helaena at nag-isip saglit.


"The way I see it, mukhang hindi pa nga. Nasa Pilipinas na siya, sila ng Pamilya niya. My Dad told me so. How did I know? Well, because he had an early breakfast meeting with Tito Lorenzo."


"Baka naman ang Daddy lang niya ang umuwi."


"Nakita din ni Dad sina Brylle, Bryant and si Tita Cindy sa restaurant where they had their meeting. Nasa Pilipinas na sila kahapon pa."


Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Helaena. Hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman sa mga narinig. Bakit hindi siya tinawagan ni Brylle na nakauwi na pala sila ng Pilipinas.


"Its been already five days since they left for Singapore. Diba ang sabi niya sa'yo three days lang sila do'n? Then why he didn't called you? May problema ba kayo ni Brylle?"


Ayaw mag isip ng masama ni Helaena tungkol kay Brylle hangga't hindi niya ito nakaka usap.


"Uhm.. Maybe something came up, kaya-kaya hindi pa din niya'ko tinatawagan hanggang ngayon. Cahli, ayokong mag-isip ng masama tungkol kay Brylle."


"Then call him right away. You need to know what happened. You need to know his reasons. You need to--"


Hindi na ma absorb ni Helaena ang mga sinasabi pa ni Cahli kahit naririnig niya ito. Natigil siya sa paglalakad at napokus ang tingin niya sa isang restaurant at sa isang table nando'n si Brylle kasama sina Bryant, Venice at isang babae na hindi niya kilala. Seems they are having fun while they are having their lunch.


"Helaena, are you still there? Helaena?" Tawag ni Cahli sa kaibigan nang hindi na ito nagsasalita sa kabilang linya.


Hindi na nagsalita si Helaena kay Cahli at inend lang niya ang tawag nito. Hindi na kasi niya alam ang sasabihin o mararamdaman nang makita niya si Brylle. Magkatabi sina Brylle at yung magandang babaeng kasama nila. Sa tantya ni Helaena ay nasa early 20's din ito.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon