#44: Surprise

522K 11.2K 461
                                    

~*~

“GOOD MORNING MR. SUN! GOOD MORNING FRESH AIR!” sigaw ni Jade pagkalabas namin sa van nina Pierce. Ito ang sinakyan namin papuntang Subic. Yung ibang memebers naman ng Black Horizon ay nakasakay sa dalawa pang van na dala ni Pierce. Bale nasa 24 kami ngayong magbabakasyon.

“Shix, I’m very excited! Matagal tagal rin akong hindi nakapagbeach.” Sigaw ni Char.

“Yeah right, baka gusto mo lang ibalandra yang bikini mo!” sabi ni Jade.

“2 Piece yun oy!” pagtama ni Char.

Nagtawanan naman kaming lahat. Masyado atang excited tong mga kaibigan ko at parang walang plano para mag check-in. Siniko naman ako ni Nathan at tagiliran kaya napatingin ako sa kanya.

“Let’s go? Magcheck-in na tayo.” Sabi ni Nathan.

Tumango naman ako at sumunod na kay Nathan papuntang Hotel. Nang makarating kami dun ay inentertain agad kami ng receptionist.

“Good Morning, Sir Pierce! Magche-check in na po ba kayo?” tanong ng receptionist na mukhang bata pa ata. Nilagay niya pa ang takas niyang buhok sa likod ng kanyang tainga. Nagpapacute ata.

“Ah oo.” Sabi ni Pierce at ngumisi.

Bigla naman siyang binatukan ni Jade at sinamaan ng tingin. Naku, sabi ko na nga ba at magseselos si Jade sa nangyari. Possessive talaga! Kahit hindi naman sila. Narinig ko namang nagsitawanan ang Black Horizon at kinantyawan si Pierce.

“Lumandi ka pa Pierce at baka ilunod kita sa dagat!” pagbanta ni Jade.

Humagalpak na kami sa kakatawa dahil sa inasta ni Jade. Jealous girlfriend lang ang peg niya? Napatingin naman ako sa receptionist na ngayon ay nakatunganga kina Pierce at Jade. Siguro na gets niya na taken na tong boss niya?

“Matagal na akong lunod sa pagmamahal mo, Jade.” Seryosong sabi ni Pierce.

“Ayyyiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeeee.....” kantyaw namin.

Natahimik naman si Jade at biglang namula. Kinilig ata sa pick-up line ni Pierce sa kanya. Hindi naman huminto sa pang-aasar ang iba pang kamyembro ng B.H. kay Pierce.

“Uhmmm, sir, ready na po ang thrid floor para sa inyong lahat.” Biglang sabat ng receptionsit sabay bigay ng mga cards.

“Ganoon ba? Sige, salamat.” Sabi ni Pierce at kinuha na ang cards.

Nalaman ko na buong third floor pala ang nakareserve para sa amin. Nasa isang room kaming lahat girls at ang boys naman ay maghahati sa walong kwarto. Dumaretso na kami nila Jade sa kwato namin at inayos na ang aming mga gamit sa cabinet. Excited kasing maligo tong si Jade sa dagat at walang gustong maaksayang oras sa bakasyon namin.

“Girls, let’s go! Tara na excited na talaga ako.” sigaw ni Jade habang sinusuot ang kanyang sunglasses.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon