Chapter 1

42.8K 900 20
                                    

"Another glass of mojito please." Zshana said as soon as she finished the drink that she has in hand.

Why is she in a club anyway? Ah, dahil sa abnormal niyang pinsan na pinilit siyang magliwaliw.

Gusto ng magaling niyang pinsan na bigyan niya ng kahit kaunting oras ang sarili niya habang kasama nito ang anak niya. Sa anak na lamang kasi niya umiikot ang mundo niya and she's alright with it.

She should be at home, taking care of her son. Though here she is, in a bar, getting wasted. Ni hindi niya nga alam kung bakit ba siya nag-iinom. Ang sabi lang naman ng pinsan niya ay magliwaliw siya pero heto siya at sa club nagpunta.

Pangatlong baso pa lamang ng mojito ang naiinom niya nang napatingin siya sa isang lalaki na kakapasok pa lamang sa loob ng club na kinaroroonan niya.

Nakasuot lamang ito ng simpleng long sleeves na polo na nakatupi hanggang sa siko nito at ripped jeans. Magulo ang pagkakaayos ng buhok nito pero bagay na bagay ito sa binatang iyon.

He has this plain expression plastered on his face. It doesn't show that he's sad, nor happy. Basta blanko lamang ang mukha nito. Para bang wala itong iniisip habang naglalakad ito.

Napailing na lamang si Zshana at muli na sanang ibabalik ang atensyon sa pag-inom ng alak nang biglang ngumiti sa kaniya iyong lalaking nakaagaw ng atensyon niya.

Ngumiti naman siya pabalik dito pero bigla siyang natigilan nang maalala niya na hindi makabubuti sa kaniya ang pakikipag-interaksyon sa mga lalaki.

May anak na siya at hindi naman lingid sa kaalaman niya na wala nang lalaki ang makatatanggap pa sa kaniya. Been there, done that.

Kinuha na lamang niya ang baso na naglalaman ng mojito at ininom ito. Nakailang sunod sunod na inom din siya bago niya napansin na may umupo na pala sa tabi niya.

Nang tingnan niya naman ang kung sino mang umupo sa tabi niya ay nakita niya iyong lalaking nakita niya kanina. At hindi niya maiikaila na mas gwapo ito ngayong mas malapit siya rito.

Napakatangos ng ilong nito, manipis at mapula ang labi, napakaputi ng balat at singkit ang mga mata nito. Para itong isang Greek God na may singkit na mga mata na bumaba sa lupa dahil sa kagwapuhang taglay nito.

Nang matapos ito sa pag-inom ng whiskey ay humarap ito sa kanya at ngumiti.

"Hey." Pagbati nito sa kaniya.

Tiningnan niya naman ito. Kinakabahan siya sa presensya ng binatang kaharap niya pero hindi niya ito ipinahalata rito.

Sa halip ay hindi siya sumagot at muling itinuon ang pansin sa alak na iniinom. Hindi maganda na makipagusap siya rito. 

Sa gwapo nito, paniguradong hindi makabubuti sa kaniya ito. At isa pa, kapag ganito na kagwapo ang isang lalaki, panigarudang maraming babae ang siyang pinaiyak na nito. Or kung hindi man pinaiyak, malamang ay maraming babae ang nakapaligid dito at ayaw niya ng kahit na anong problema lalo na sa mga ganoong bagay. 

May anak na siya at dapat sa anak niya lamang nakatuon ang atensyon niya. Her son is still growing at kailangan nito ng atensyon niya. Kung papansinin niya ang binatang kaharap niya ngayon, baka magkagusto pa siya rito dahil sa kagwapuhang taglay nito. At ayaw niya na mangyari iyon.

She then heard him chuckled kaya naman napatigil siya sa pag-iisip at napalingon sa binatang katabi niya. 

"Woah. Mayroong hindi pumansin sa akin." Anito pero hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa pag-inom.

LUCIFER'S grinning from ear to ear as he drank his whiskey. For the first time in his almost thirty fucking years of existence, mayroong isang tao ang hindi pumansin sa kaniya.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon