6 : That awkward moment

944K 38.5K 23.4K
                                    

6.

That awkward moment

Agatha's point of view

Its 6pm and kakatapos lang naming mag-dinner ng sabay-sabay sa kwarto ni Cooper. Lokong 'yun naging target na ako ng mga kalokohan niya, nakakainis. It turns out, kinatatakutan pala si Cooper ng karamihan dito sa ospital dahil sa mga kalokohan niya at ako lang naman ang maswerteng naging suki ngayon ng kashungaan niya -_-

Umupo ako sa mini study table ko at nagdownload ng movie na papanoorin ko para hindi ako makatulog mamaya.

"Ate!" Biglang may sumigaw kaya agad akong napatingin sa pintuan. Napangiti ako ng napakalapad nang makita ko ulit yung batang lalake kaso hindi siya nag-iisa kasi kasama niya ang asungot na si Cooper.

"Baby wag kang masyadong dumikit kay Cooper. Baka pumangit ka gaya niya!" Biro ko kaya agad na napangiwi si Cooper. Nagulat ako nang bigla na lamang niyang kinarga ang bata at kapwa sila sumalampak sa kama ko habang tumatawa. Nakakainis! Nakukunot ang bedsheet ko!

"Kuya you're right. She's pretty." Biglang sambit ng bata habang tumatawa kaya agad kaming nagkatinginan ni Cooper. Awkward.

"Pretty si Agatha! Pretty stupid!" Giit ni Cooper at bigla na lamang kiniliti ang tiyan ng bata kaya tawa ito ng tawa. Para silang baliw na nagtatawanan habang nagpapagulong-gulong sa kama ko. Nakakainis! Ginugulo na nila ang arrangement ko!

Pero teka, ako stupid? No freaking way ! Oras na yata to para makaganti ako sa kalokohan niya.

"Talaga baby sinabi ni Cooper na pretty ako?" Tanong ko kaya agad silang natigil sa pagkukulitan. Natawa ako nang makitang pinanlisikan ni Cooper ng mga mata ang bata na para bang pinagbabantaan ito.

"Oo!" Sigaw ng bata at muling tumawa ng malakas kaya agad siyang dinaganan ni Cooper. "Aray kuya! Ang bigat mo!" Sigaw ng sigaw ang bata pero patuloy lang si Cooper sa pangingiliti at pagdagan sa kanya. 

Tawa lang ako ng tawa sa kanila. Ang cute nilang tingnan habang nag wre-wrestling ng biru-biruan.

"Ayieee! Cooper crush mo ako no?" Biro ko bilang ganti sa pangt-trip niya kahapon.

"Oo ate! Crush-- Tama na! Waaaa!" Sigaw ng sigaw ang bata kasi patuloy parin siyang kinikiliti ni Cooper.

"'Wag ka na kasing mahiya sakin Cooper! Alam kong maganda talaga ako!" Pang-aasar ko pa. Siyempre biro ko lang to sa kanya, alam ko namang wala tong crush sakin eh.

"Asa ka Agatha!" Sigaw ni Cooper na nakatuon lamang ang tingin sa batang tawa parin ng tawa.

"Ayieee! Crush mo ako eh!" Giit ko pa habang tumatawa. Nakakatuwa pala siyang pagtripan.

"Hindi kita crush!!!!!" Biglang sigaw ni Cooper at nagulat ako nang bigla na lamang siyang nagtatakbo palabas ng kwarto ko. Problema nun?

"Crush ka niya ate. hehehe." Mahinang sambit ng bata kaya napangiwi na lamang ako. Bakit naman yun magkaka-crush sakin eh last week lang kami nagkakilala.

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon