TEAM MORIE SPIN-OFF [1]: Siblings

130K 4.3K 2.3K
                                    

TEAM MORIE SP [1]: Siblings


[Jing Rosca's POV]

Dear Jill,
Kamusta ka na?
Miss na kita.

Erase. Erase.

Dear Jill,
Kamusta ang Paris?

Erase. Erase.

Hay nako naman. Ang boring dito sa bahay, pano ba naman 'yung magaling kong asawa ayaw akong pagtrabahuin dahil daw baka makasama sa sinapupunan ko.

Sinong mag-aakala na matatagpuan ko pa ang taong para sa'kin 'di ba? Dahil kung tutuusin hindi naman ako katulad ni Karen na wife-material at akala ko rin kasi huli na 'yung kay Rosel.

Sa ikalawang pagkakataon na pinagkalooban ako ng buhay, hindi ng diyos kundi ng isang kakaibang nilalang katulad ko, Peculiar, isang salitang hindi nag nag-eexist sa panahon ngayon. Age of Aeons huh.

Sumilip ako sa bintana at nakita ang motor, heh, alam ko kung saan tinago ng magaling kong asawa ang susi. Kaya naman dali-dali ko 'yon kinuha sa kwarto kung saan tinago niya sa ilalim ng kama.

Lumabas ako at sumakay sa motor. Mag-gogrocery lang ako saglit. Naisipan ko sana magpasama pero wala namang available na tao, si Karen malamang busy sa school. Bigla ko tuloy naalala ang Team Morie...
Nasaan na kaya sila? Wala na kong balita sa kanila. Nakakamiss din pala kahit papaano, at sa totoo lang ang boring ng buhay. Hindi naman sa ayaw ko ng buhay ko ngayon, siguro sadyang nasanay lang ako sa mga nangyari noon. Pinigilan ko ang tren, hinati ko ang dagat, naka-survive kami sa avalanche, at niligtas namin ang mundo. Those were the good old peculiar days and it's gone.
Siguro dapat makuntento na lang talaga ko sa normal na buhay na mayroon ako ngayon. Hindi ba't minsan ko ring pinangarap ang ganito dati?

Narating ko local grocery store, pinarada ko muna sa labas yung motor. Pagkapasok ko sa loob ay kaagad akong kumuha ng cart.
Gusto ko lang bumili ng pagkain kahit marami namang naka-stock sa bahay, ang segurista masyado ng asawa ko.

"Hmmm..." Napansin ko 'yung karne, nag-iisa na lang. Dadamputin ko sana nang may maunang dumampot nito. "Anak ng!"

"Jing?"

"Huh?" Hindi ko siya nakilala pero nang titigan ko siya ay nakilala ko na siya. "Otis?!"

"Jing!" Kaagad niya kong niyakap nang mahigpit atsaka bumitaw din. "Kamusta ka na? Teka... Buntis ka?!"

"Bakit parang di ka makapaniwala? May matres ako oy!"

Tinawanan niya lang ako at inirapan ko naman siya. Loko to ah.

"Hindi mo yata suot ang maskara mo?" Tanong ko sa kanya dahil kapansin-pansin kasi yung peklat niya sa mukha pero yung kalahati ng mukha niya... Para kong nananalamin.

"Uhm... Mahirap na baka pagkaguluhan."

Atsaka ko lang naalala na sikat na nga pala silang banda. Psh. Akalain mo't nagkaroon pa sila ng singing career sa alagay na 'yan.

"Kamusta si Finnix? Buhay pa ba ang toxic na 'yon? Si Pascal? May mga friends pa rin bang daga?" Sabay kami ngayong nag-istroll.

"Ayun buhay pa naman sila," natahimik kami parehas. Kung tutuusin bigla kong naalala. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung paano ko naging kapatid ang payasong 'to. Sa tinagal-tagal naming pagsasama noon sa MIP ay never niyang sinabi sa'kin ang totoo at nito lang laro namin sa Akasha's Game niya sinabi ang totoo tungkol sa pagkatao niya.

"Otis I mean Jiro, 'di ba Jiro ang pangalan mo? May tanong sana ako."

"Ano 'yon?" Sabi niya habang kumukuha ng isang box ng cereals.

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon