[69] You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning.

2.5K 71 48
                                    


Chapter Sixty Nine

AICEL

Haaay. Nandito kami ngayon sa pool ng barkada. Naupo ako sa gilid habang pinapanuod ang mga kaibigan kong nagliliwaliw sa tubig. Lewis is nowhere to find but I can see Patch from here. She’s smiling, playing at having fun as if it’s her last. Ang weird ng pakiramdam ko. Ewan ko ba. Or weird lang talaga ako? Nakakainis! (-__-)

“Aren’t you enjoying?” Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng jacket sa balikat ko. I looked up to see Sage. Umupo ito sa tabi ko.

I sighed. “I’m trying to talk to her. Pero umiiwas lang siya kapag si Lewis ang topic.”

“Yan ba yung pinoproblema mo kanina?” Tumango ako sa tanong niya. Maya maya lang ay naramdaman kong umakbay siya sa akin and he leaned my head on his shoulder. “Pabayaan mo na lang muna. Let her enjoy this day.”

“Kasalanan ko e.” I muttered. I tried my best not to cry. “Kung hindi lang sana ako pumayag na magpaligaw kay Lewis, edi sana hindi mangyayari to.”

“Can I ask you something?” I nodded so he continued. “Bakit ka nga ba nagpaligaw? Sabi mo sa akin noong nasa The Plaza tayo, hanggang kaibigan lang ang pagkagusto mo sa kanya, diba?”

Umalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya at hinarap siya. I let out a deep sigh. He must know my reason. “Umiiyak si Patch noon. Kinwento niya sa akin ang nangyari sa kanilang dalawa. I saw the hurt and pain in her eyes, and that day I promised to myself that Lewis will regret his decision. Noong araw din na yun, sinabi niyang gusto niya ako. Lalo akong nainis, pero may halong sakit na. He’s playing with me and my feelings kaya nasaktan ako. It was my plan to provoke Lewis. Gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya niya, kaya nakipaglaro din ako. Sinabi ko sa sarili ko na siya ang magmamakaawa sa akin na itigil na namin tong larong to.”

Hindi ko na napigilang umiyak pero tinuloy ko ang pagkukwento kay Sage. He’s still the Pottie I used to know. He will listen. “Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito e. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ko din si Patch sa aming dalawa ni Lewis. Nasaktan din naman ako e.”

“Sshhh.” He removed the tears from my cheeks using his thumb. “Naiintindihan ko. Gago yun si Lewis. Nag-away kami noong basketball training namin dahil kay Patch. Akala kasi niya, ako pa rin ang gusto ni Patch. Nasaktan lang din siya. He wanted to be even with me, kaya ka siguro nadamay dito dahil alam niyang mahal kita. Please, don’t cry. Let’s help each other to fix this. Kung hindi nila kayang ayusin, we’ll help them okay? Wag ka ng umiyak.”

Siguro, yun ang dahilan kung bakit may tension sa pagitan nila noong basketball game.

Ramdam ko ang pag-init ng muka ko dahil sa sinabi niyang mahal niya ako. Waaaaah! Nagda-drama ako dito, pero hindi ko mapigilang kiligin. After niyang aminin sa aking mahal niya ako, ni isang beses hindi ko man lang nasabi na gusto ko siya, na mahal ko siya.

I pulled him for an embrace. He hugged me back. “Thank you, Sage. Maha—AHHHHHHH!”

*SPLAAAAASSSSSHHHHH!*


“ANO KA BA, BENCH? BAKIT KA BA NANUNULAK?!” Sigaw ni Sage saka ito lumapit sa akin at pumunta kami sa side ng pool upang alalayan akong makaahon.

“HELLER! WE ARE SUPPOSED TO ENJOY! AT BAWAL ANG PDA DITO!” Bench shouted back. “MAG-SWIMMING NA LANG TAYO! MAMAYA NA ANG HUG MO KO, HUG MO KO!” Hindi pa nga kami nakakaahon ng pool, tinulak niya ulit kami pabalik.

May mga tao talagang ang sarap sipain palabas ng Earth e, no? Ito na ang pangalawang pagkakataon na naudlot ang confession ko dahil kay Bench! Kalbuhin ko na kaya to? Ugh!  

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon