Chapter 45 ♬ His Love

52.3K 922 84
  • Dedicated kay To All My Fans and Readers <3
                                    

Chapter 45

(Revised & Edited.)

 

Jace's POV

 

Dalawang araw na ang nakalipas magmula ng sinabi ni Nathan ang dare nya sa akin. Hanggang ngayon wala pa ring improvement dahil paano yun? Bawat kilos nya kasama si Serene na para bang sinasadya nya itong ilayo sa akin. Tsk hindi maganda 'to. Pagkatapos magbell para sa uwian hinanap ko agad si Serene. Nakita ko na wala si Nathan sa tabi nya kaya agad ko syang nilapitan. 

"Jace, ikaw pala akala ko kung sino na." gulat nyang sabi habang nag-aayos ng gamit sa bag

"Bakit? May inaasahan ka pa bang iba?" 

Hindi ko mapigilan makaramdam ng lungkot. May anong kirot na lang  na para bang tumusok sa aking dibdib. 

"Ito naman, para yun lang eh busangot agad ang mukha mo," kinurot nya ako sa pisngi, bagay na ikinatuwa ko ng konti. "Ngumiti ka nga! Akala ko ba magbabago ka na?" 

Tumingin ako sa kanya at hindi ko magawang bawiin ito. Ang ganda nang tawa nya. Parang isang musika na hindi mo pagsasawaang pakinggan.

*dug*dug*dug*

 

Bakit ba ganito? Napakahirap kontrolin ang emosyon lalo na kung nanjan sya sa tabi ko. Ilang beses ko nang nasabi na mahal ko sya pero hanggang ngayon wala pa rin ang sagot na hinihiling kong marinig. Baka naman kaya hindi na nya ako masagot sagot dahil may mahal na syang iba? dahil may iba nang nagmamay-ari ng puso nya? O wala lang talaga ako sa kanya?

"Tumatakbo ang oras Jace at habang mas lalo mong pinapatagal, mas lalo lumaliit ang tantsa mo na makuha sya..."-- Hindi mawaglit sa aking isipan ang mga sinabi ni Nathan. Ayokong panghinaan ng loob dahil alam kong sa oras na binitawan ko sya para ko na ring binitawan ang musika na bumubuhay sa akin. 

 

"Sige! Sige! Ito ngingiti na ako." natatawa na lang ako habang inilalayo ang kamay nya sa mukha ko dahil sa liit nyang yan ang sakit nyang mangurot! Ewan ko kung bakit napakadaling tumawa pagdating sa kanya.

"Dapat lang sayang kapogian mo." *bulong*

"hmmm?"

"Wala." ngumiti sya sa akin ng pagkatamis tamis "Sige shoo ka na at ako'y uuwi na rin." pabiro nyang sabi habang itinutulak tulak ako. Sinimulan nyang maglakad at sumunod ako, paatras nga lang para makita ko sya.

"Ako na."

"Anong ako na?"

"Ako na ang magbubuhat ng gamit mo" 

Kinuha ko na lang ito mula sa mga kamay nya. Bakit ba kasi kailangan nyang magdala ng napakaraming folders at libro? May bag naman sya? Minsan talaga ang labo ng mga babae.

"Ang kulit mo talaga." tawa nya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Wala na rin kasi syang magawa dahil kahit anong pilit pa nya, hindi na nya makukuha sa akin 'to hanggang masundo sya. Matinis nyang tawa ang nakakapagpangiti sa akin. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon