CHAPTER TWENTY-EIGHT

10K 428 39
                                    

Sa bawat haplos ni Kaito sa maseselang bahagi ng aking katawan, napapasinghap ako't napapaliyad. Nilingkis ko pa ang magkabilang binti sa baywang niya at diniin pa lalo sa namumutok niyang harapan ang sugpungan ng mga hita. Pakiramdam ko, basang-basa na ang panties ko sa matinding pagnanasa. Ganunpaman, buo pa rin ang huwisyo ko kaya naulinigan ko ang pagbukas ng pinto. Sa isang kisap-mata'y naitulak ko nang buong lakas si Kaito sabay bangon. Sa pagkabigla'y nawalan ito ng panimbang at halos ay mahulog sa maliit na kama. Dali-dali kong tinungo ang pintuan. Nakasalubong ko ang tila nagtatakang nurse.

"Filipa! Bumalik ka rito! That's an order!"

Hindi ko siya pinansin. Sapat nang nalaman kong hindi naman malubha ang kanyang kalagayan.

Lakad-takbo ang ginawa ko pabalik sa amin. Panay lingon ko sa likuran na para bagang isang magnanakaw na takot mahuli sa ginagawang krimen. Hanggang leeg din ang kaba ko na baka pinasundan niya ako. Shit! I was not thinking. Bakit ba naman kasi naglakas-loob akong bumisita sa kanya? Matitigok talaga ako ni Furukawa-san. Baka nga sa mga sandaling ito'y nasa amin na siya at pinagbabantaan na naman ang tiyahin ko. Hindi na ako nadala. Ano ba ang nangyari noong nahuli ako ng tauhan niyang nagtangkang bumisita sa Banzai Studio para lang masilip kahit panandalian lamang ang kalagayan ni Kaito? Nagpasabog sila sa parking lot at pinaamin lang sa pobreng Syrian refugee. Inakala ng lahat na act of terrorism ang nangyari. But I know better.

"Saan ka na naman nagpunta?!" naiinis na salubong sa akin ni Tita Chayong pagdating na pagdating ko sa amin. Tila natataranta ito. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sinasabi ko na nga ba, e! Ang talas talaga ng pang-amoy ng Furukawa-san na iyon!

"Ano po'ng nangyari? Pinapalayas na naman ba tayo rito? Nagbanta na naman ba si Furukawa-san?"

"Anong pagbabanta ang pinagsasabi mo riyan? Hetong anak mo. Kanina pa iyak nang iyak. May sinat yata. Kailangan na natin siya patingnan sa doktor. Kanina pa kita hinihintay."

Napahinga ako nang maluwag. Sinalat ko ang noo at leeg ni baby. Hindi naman mainit. Ang OA ni Tita Chayong! Pero naglilimahid na ito sa pawis. Nagsasanib pwersa rin ang mga luha niya't sipon para lalo siyang magmukhang batang pulubi. Naawa ako sa anak ko at na-guilty nang todo dahil halos hindi ko na siya naasikaso sa kaii-stalk sa kanyang ama.

"Siguro naman hindi ka gumawa ng kung anong katangahan this time? Isipin mo ang nangyari noong muntik ka nang magpadala riyan sa kati ng ano mo. Muntik na tayong mapahamak pati na si Kaito. Ayaw ko nang lumipat ng tirahan. Sawang-sawa na ako sa pag-aalsa-balutan kada buwan."

Hindi ako sumagot. Inasikaso ko na lamang si baby. Pinunasan ko ito't pinadede. Nasa likuran ko lang si Tita Chayong at kinukulit ako na dalhin na raw namin kahit sa clinic lang ang bata.

"Wala ho siyang sinat, Tita. Naiinitan lang. I know her. Hindi siya sanay na pinapatayan ng aircon."

"Ang arte kagaya ng ina! Paano ba namang hindi ko patayin ang aircon? Umaabot nang mahigit isang lapad ang kuryente natin kada buwan. Papaubos na ang binigay sa aking pera ni Furukawa-san. Mabuti kung makaalala pa iyong magbigay ulit. Kung hindi ka ba naman kasi tanga. Inalok ka na ng isang daang milyong yen kapalit ng pag-alis sa Japan at pangako na hinding-hindi na tutungtong dito, nagmatigas ka pa. Hay! Kung bakit kasi noong nagpasabog ng katangahan ang Diyos ang aga mong nagising. Sa harapan ka pa pumila!"

Sinimangutan ko si Tita Chayong. Hanggang kailan niya kaya isusumbat sa akin iyon? Mahirap bang intindihin ang side ko? Paano ko matatanggap ang pera? Una sa lahat hindi for sale ang pagmamahal ko kay Kaito. Pangalawa, hindi ko kayang mabuhay nang malayo sa kanya. Kahit hindi man kami nagsasama sa ngayon I'm comforted by the fact that we breathe the same air.

Naudlot ang paglilitanya ni Tita Chayong nang may kumatok. Kapwa kami napatingin sa pintuan. Parehong kinabahan. Hindi na kasi kumakatok kapag nadalaw ang mga dati niyang entertainers. Kung sino man ang dumating, tiyak na may kinalaman iyon sa pinagtataguan namin.

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon