CHAPTER FOUR

101K 1.5K 83
                                    

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa kanya ng lalaki. Papa Lord, sinu-swerte po yata ako ngayon? Puro mga gwapong nilalang ang nakikilala ko? Tanong ni Summer, pero sa isip niya lang.

"O-okay lang ako." Sagot niya naman habang hindi makatingin ng diretso.

"Di ka ba kinalmot or nasktan or nasugatan?" Nag-aalalang tanong ulit ng lalaki.

"H-hindi naman."

"Sure?" paninigurado pa ulit nito. Nakukulitan na nga si Summer eh, pero dahil gwapo 'tong kasama niya, magpapahinhin effect muna siya.

"Ah, oo."

"By the way, ako nga pala si Kier. At eto naman yung aso ko na si Kichie." Pagpapakilala nito. "Ikaw? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Halos tumambling naman si Summer nang marinig niya ang sinabi ni Kier. Bakit? Hindi ko alam. Pero baka dahil masyadong malanjot itong probinsyana natin at masyadong mahaba ang hair niya para pag-agawan ng mga gwapong lalaki tulad ni Kier at Clyde.

"Ako nga pala si Summer." Pagpapakilala niya.

"Ang unique naman ng name mo." Natatawang sabi ni Kier. "Pero cute. Bagay naman sa'yo eh."

"S-salamat." Sobrang init ng mukha ni Summer at feeling niya eh sasabog na ang puso niya dahil sa sobrang kilig. Landi talaga neto!

Habang tumatagal, nagiging "friendly" na ang atmostphere ng dalawa. Masarap pala kasing kausap itong si Kier eh. Gwapo na, mabait pa! Di naman katulad ni Cylde na napaka-sungit at demanding daw, sabi ni Summer.

"Teka, bago ka lang ba dito?" Tanong ni Kier.

"Oo eh. Kanina lang ako dumating."

"Sabi na nga ba. Madalas kasi, ang hinahabol lang ni Kichie ay yung mga hindi pamilyar na mukha dito sa village. Pagpasensyahan mo nalang kung ikaw yung napagdiskitahan niya kanina. Eh saan ka nakatira?"

"Okay lang 'yun. Basta dyan lang!" Hindi naman alam ni Summer yung eksaktong lugar kasi nga kakadating niya lang dito. Pero alam niya yung mismong itsura ng bahay nila Clyde.

"Ahh. Wait, saan ka pupunta? Gusto mo samahan na kita?" Offer ni Kier kay Summer. Kumislap naman ang mga mata ni Summer dahil sa mga sinabi ng gwapong binata.

"Ah...eh...kasi ano eh..." putol-putol niyang sagot.

"May gusto kang puntahan na lugar pero di mo alam kung saan?"

"TAMA! Isang malaking check na lagpas sa papel!"

Natawa naman si Kier sa sinabi ni Summer. "Grabe ka naman. Haha. Saan ba?"

"Basta pupunta ako sa grocery eh. Alam mo ba yun?" Tanong ni Summer. Sa wakas at pumayag na rin siyang kapalan ang mukha niya dito sa kasama niya.

"Hmm, oo. Tara na!"

Binalik muna ni Kier si Kichie doon sa bahay nila, na hindi naman kalayuan dun sa kaninang kinatatayuan ni Summer kanina. Pagkatapos nun, nag-commute nalang silang dalawa papunta sa grocery store.

Sobrang bait ni Kier kay Summer. At sa maniwala kayo't sa hindi, nahihiya si Summer sa kanya. Eh paano ba naman kasi, kakakilala lang nila ngayon pero ang bait niya na sa kanya.

"So, assistant ka?" Tanong ni Kier.

"Oo. Nakaka-inis nga kasi napaka-sungit ng Boss ko." Kwento naman ni Summer. "Tignan mo, ang dami niya kaagad na pinabili sa'kin. Eh wala naman akong alam tungkol dito."

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon