#45: Drunk

530K 11.9K 1.1K
                                    

UPDATE ULIT KASI YOU KNOW WEEKENDS NA HIHI. GUYS EVERY WEEKENDS OR WEDNESDAY NA LANG AKO MAGUUPDATE OKAY? HAPPY 300k READ PALA SA HGP! GUYS MARAMING SALAMAT SA SUPPORTA NIYO. SA MGA SILENT AT ANG ALL OUT READERS KO I LOVE YOU ALL! MWAH MWAH TSUP TSUP! 

~*~

“YOU WHAT?” Charlotte

“Ha! I knew it from the start na maiinlove talaga tong si Rien kay Tyler. Yes, Like oh my gosh tama lang pala ang pag-ship ko sa inyo.” Sabi ni Jade at pumalakpak pa na parang natutuwa.

“Bingi ka ba or sadyang tanga ka lang? Didn’t you hear? PINAGLARUAN NI TYLER SI RIEN! Sinaktan niya si Rien!” sigaw ni Char.

“Shut up Charlotte at baka marinig tayo.” Jade

“Oh please, don’t you know the word soundproof?!” sarcastic na tanong ni Char.

“I know pero ganun naman talga yun hindi ba? That’s what you call love-hate relationship. Pero duh, so obvious na in the end sila ang magkatuluyan.” Sabi ni Jade at tinaasan pa ng kilay si Char.

Napailing na lang ako sa ginawa nilang pagtatalo. Pagkatapos kong sabihin sa kanila kung ano ang nangyari ay away lang sila ng away. Ayaw kasi ni Char sa planong pinaglaruan ako ni Tyler. Ito namang si Jade eh kinikilig sa love story ko. Like seriously? Hopeless Romantic?

“Paano si Tyrence? Desidido si Rien na ibaling ang pagmamahal niya kay Tyrence kaya hindi mo masasabi na si Tyler ang endgame!” galit na sigaw ni Char.

“Tyrence? Please! Past is past, my gosh. Tyler pa rin ako. Trust me sila ang magkakatuluyan.” Sabi ni Jade at inirapan si Char.

“Pwede bang time out muna? Walang preno yang mga bibig niyo! Tama na yang mga kaechosan niyo dyan.” Sabi ko.

Napabuntong hininga naman ang dalawa at inayos na ang mga sarili dahil any minute now ay susunduin na kami ng boys para magdinner at bonfire sa labas bago matulog.

“Tss, But I still---“

“Ops, tama na yan.” Seryoso kong sabi.

Tumahimik naman sila. Hindi ko akalain na walang preno ang mga reaksyon nila sa kinuwento ko. Sinabihan ko na rin sila na huwag ipagsabi sa iba o ipagkalat at baka opsital ang susunod nilang mapupuntahan.

*Tok* *Tok* *Tok*

“Jade? Rien? Char? Let’s go.” Pagyaya ni Pierce na nasa labas.

Nagkatinginan naman kaming lahat at suminghap. Sana nga lang at hindi obvious tong dalawang to mamaya pagkaharap na namin si Tyler. Please lang.

Habang papunta na kami ng cottage (kung saan kami kakain ng dinner) ay kitang kita ko naman sina Tyler at Nathan na nakatoplesss habang naggi-grill ng meat. Yung ibang myembro naman ng Black Horizon ay nilalapag na ang mga plato at kubyertos sa mga lamesa.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon