CHAPTER 3

5K 218 7
                                    

CHAPTER 3

FL🌑RA

PARANG LANTANG GULAY akong bumangon nang marinig kong mag alarm ang phone ko.

Fuck

Ni hindi ako nakatulog ng maayos nang marinig ko ang sinabi niya..

Pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko narinig.

This is the first time she initiated coming closer to me, touched me, and said some weird things to me.

My moon?

I knew she was referring to me because my given name is Luna, and Luna means moon.

I think she knows me. Sinubukan kong irecall ang memorya ko, But I can feel something preventing me from heading that route. Ilang beses na niya akong binisita, pero wala pa rin.

I'm beginning to blame myself for not putting up traps to capture her.

Dahil wala naman talaga sa plano yon..

Pero dapat ginawa ko pa rin..

Imbes na bumangon ay humiga ako. Nakaramdam ako ng matinding antok. Since 6 pa naman ang trabaho ko, I can sleep again-

*TOK*

*TOK*

"Sweetie-"

Napabangon ako ng wala sa oras.

Fuck! Fuck!

Wala pa akong tulog!!

"Flora?"

Imbes na sagutin si Mamush ay humiga ako at nagtalukbong. Ayaw kong magsalita dahil baka pasukin ako ni Mamush at baka mabatukan nanaman. Pagod na ako sa mga batok niya.

Nakarinig ako ng katahimikan ngunit para mas hinila ako ng antok, hanggang sa nakatulog na ako.

Ah.

Kahit papano ay nagpasalamat ako dahil mukhang alam niyang tulog pa ako. Nakarinig nalang ako ng mahinang yapak papalayo.

Quite thankful she distance herself from my personal space.

ALA-UNA na ako nagising at natuwa naman ako dahil bawing bawi ko ang tulog ko. Medyo napasarap pa nga.

Matapos maligo at magpalit, bumaba na ako. Hinanap naman agad ng mata ko si Mamush ngunit tahimik ang paligid. Kaya naman ay dumeretso ako sa kusina. Saktong may nakita akong nakatakip na ulam at may note na nakadikit sa mesa.

Market..

Sa isang salita lang ay alam ko na kung nasaan siya. Kakatwang ang daldal ni Mamush sa personal, hindi tinitipid ang mga salitang lumalabas sa bunganga niya, samalntalang kapag sa sulat ay parang tinamad na, tipid na tipid.

Ngunit natigilan ako nang saktong pagtanggal ko sa takip ng ulam ay may sumunod na note.

Enjoy hihihi

"Pfft." Alam kong trip trip niya lang ang ganito. Bakit hindi na ako nasanay? Daig niya pa ang teenage mom sa ugali niya. Mukhang hindi nadevelop ang utak niya ng mabuti. Parang mas bata pa siya saakin.

I put on my shoes after finishing the meal she had prepared and planned to go for a stroll outside. Magpapaaraw lang ako saglit.

Nang masinagan ng araw ay napapikit ako. "Ah"

Bigla akong napaisip..

My moon..

My moon..

The Untold Moon Goddess (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon