Chapter 26

114K 2.3K 307
                                    

                                                          ••••

Di makapagconcentrate si Clarisse sa pagtatrabaho dahil paulit-ulit na pumapailanlang sa utak niya ang sinabi ni Pierce. Tumigil siya sa pagsusulat at pahagis na binitawan ang ballpen.

The nerve of that man!

Sabi na nga ba't mali ang desisyon niyang kausapin ito. She couldn't believe she even beg in front of him. Ayan tuloy kung anu-anong mga walang kuwentang bagay ang lumabas sa bibig nito.

What did he say? Live together like a real married couple?

Napangisi siya habang napapailing. How the hell did he come up with that silly idea? He sounded sincere and it looked like he had nice intentions...pero kung hindi niya lang alam he was spitting in her face the words 'I'll bring you to hell'. Paminsan-minsan may itinatago din namang katalinuhan ang babaerong yun. What a nice way para maitaboy siya sa pag-object niya sa relasyon nila ni Scarlet.

"Attorney..."

Napaigtad siya sa upuan at patay-malisyang muling bumalik sa pagsusulat. Yumuko siya at kunway walang narinig. Itinukod niya ang kaliwang siko sa mesa at humawak sa noo para bahagyang matakpan ang kanyang mukha.

"Attorney... may I come in?" ulit ni Lance sabay katok sa pinto ng kanyang opisina.

"S-Sure..." kabadong sagot niya habang kinokontrol na huwag gumaralgal ang boses.

"It's almost nine. Hindi ka pa ba uuwi?"

Binitawan niya ang ballpen, ibinaba ang kamay at pasimpleng kinurot muna ang kanyang hita para matauhan sa nag-iingay na namang dibdib. Saka siya nag-angat ng mukha at walang reaksiyong hinarap ang assistant.

"Not yet. Tatapusin ko ang naka-pending kong mga pipirmaha't basahin. Dalawang araw akong wala kaya't ayokong magka backlog," seryosong sagot niya sabay ayos sa eyeglasses.

Mas lalo siyang nahihirapang harapin ngayon ang assistant. Sumasabay sa bilis ng tibok ng dibdib niya ang pang-uusig ng konsensiya sa tuwing nilalapitan siya ng lalaki. Pagkatapos niyang muling mahuli ang girlfriend nito, wala na siyang balak itago ang pagtataksil ni Scarlet. But she couldn't find enough courage to tell him the truth yet. Baka siya ang unang magbreakdown pag nakita niya kung papaano ito masaktan. Pinangangambahan din niyang kamumuhian siya nito sa ginawang pansamantalang paglilihim at sisisihin dahil lalabas na parang kinunsinti niya ang mga nangyari.

"Bakit may lakad ka ba? You can leave first, I'll be staying here until I finish everything."

Hindi agad nakasagot si Lance. Pupunta sila sa music bar ni Scarlet upang dumalo sa birthday celebration ng isa nilang kaibigan. He doesn't want to leave the lawyer by herself pero gusto niya na ring makita agad ang girlfriend dahil finally ngayon lang ulit ito nagkaroon ng libreng oras.

"I-I'm going out with Scarlet tonight," he mumbled.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon