Magic 39

5.8K 120 11
                                    




XXX


The magic circle

Raven's Pov


'Sigurado ka bang okay ka na Raven ?' Tanong sakin ni Kiera habang naglalakad kami papunta sa unang subject namin ngyon .


Tumango tango naman ako dito sabay nginitian ito .

'Ngyon nakaraang araw palagi ka na lang nadidisrasya. Palagi ka na lang nasasama sa gulo ' dagdag pa nito .

Tama si Kiera ngyon nakaraang araw palagi na lang ako napapasama sa gulo .

'At take note Raven palaging nandyan ang Knight in shinning armor mo at your service . Kaloka ka haha!'

'Ano ka ba Kiera kung ano ano na naman ang iniisip mo. Nagkataon lang yun ' sagot ko kaso ngumisi lang ito sakin .



'Sabi mo e ' Sagot nya



Hay! Napailing iling na lang ako . Si kiera pa alam naman natin kung anong iniisip nan e .

Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi .

Bakit nya naman kasi sinabi yun? Baliw baliw talaga ang Zack na yun . Idagdag pa yung ako magiging alalay nya . Ano sya Prinsipe .

Kung ano anong kalokohan ang iniisip e. Baka kung anong isipin ni Prince Night . Nakakahiya pa naman sa kanya dahil mukhang naghintay sya sakin .

'Raven anong problema? Tara na ' bigla na lang ako napatingin kay Kiera ng bigla nya kong tinawag .

Napatigil pala ako sa paglalakad sa kakaisip . Ano ka ba Raven? Focus wag mo munang isipin ang mga nangyari .

'Wala sige tara na ' sagot ko at sabay namining tinahak ang daan papunta sa Arena .

Kung saan gaganapin ang subject namin creation magic . Ngyong araw na kasi ipapakita ng bawat isa ang kani-kanilang magic at magic circle .

Isa pa itong sa pinoproblema ko . Kahit anong gawin ko hindi ko mapalabas ang magic circle ko . Mukha naman kasi wala ako nun e .

Pagdating namin sa arena nagtaka ako dahil medyo marami ang taong naroon kesa sa inaasahan ko .

'Gayan talaga maraming may gustong malaman kung ano ano mang kayang gawin natin mga primo' ani ni Kiera na palinga linga rin

Lalo tuloy akong kinabahan, lalo akong nagpapanic dahil maraming taong narito kaso hindi ko kayang palabasin ang magic circle ko .


'Tara na Raven, wag kang kabahan okay lang kung hindi mo mapalabas magic circle mo ngyon may iba pang araw. First try palang naman ngyon e ' ani ni Kiera at hinitak ako sa upuan medyo malapit sa arena .

Sana nga kiera okay lang na hindi ko mapalabas ang magic circle ko . Kaso kaelangan ko ng magmadali kaelangan ko ng maging malakas para makapasok na ko sa palasyo .

Pagkaupo namin maya maya lang ay may naramdaman ako tumabi sa amin dalawa .

'Yow Kiera Hi Raven !' Napatingin kaming dalawa ni kiera kay na Stone at Zack na tumabi samin .

'Tch!' Ani ni Kiera at siniringan si Stone .

'Ang sungit natin ngyon hah ! Nandito pa naman kami ni Zack para panoodin kayo ni Raven, diba Zack ?' Tanong ni Stone sabay tingin kay Zack na nakabusangot ang mukha

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon