Chapter Thirty Five

455K 13.8K 13.8K
                                    

SASKIA

"Saskia, sino ba talaga ang tatay ko?" Tanong ni Tintin habang inaayusan ko siya ng buhok. Nakita ko ang pagsimangot ng mukha niya sa harap ng salamin. "Tinutukso kasi ako ng mga kalaro ko. Sabi nila anak daw ako ng engkanto." 

"Anak ng engkanto?" Kumunot ang noo ko. 

"Oo. Kasi daw ganito ang buhok ko." Hinawakan niya ang mala-ginto niyang buhok na minana niya sa ama niya. 

"Eh ano naman ang sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko yung sinabi ni Jodie sa akin." 

"Na ano?"

"Na hindi engkanto ang tatay ko, mayaman ang tatay ko kaso may ibang pamilya na. Tapos alam mo, narinig kong sabi ng nanay ni  Ponjack kabit ka daw ng forenjer. Ano yung kabit?" 

"Ninaaaaang!" Sigaw ko.

"O, bakit?" Dali-daling pumasok si Ninang sa loob ng kwarto.

"Ano na naman ang sinasabi mo dito kay Tintin?" Napabuntong-hininga ako. 

"Ano ba yun?" Pumamewang siya.

Pumihit ang ulo niya sa direksyon ni Ninang. "Di ba sabi mo mayaman ang tatay ko saka gwapo saka dakota? Ano nga pala yung dakota?" 

"Maka-dakota ka naman, Ninang! Bakit? Nakita mo? Ako lang ang nakakita nun!" Umasim ang mukha ko. "Ikaw talaga kung anu-anong sinasabi mo sa anak ko!" 

"Eh nagtanong sa akin si Tintin, eh. Umuwing umiiyak yan noong nakaraang araw, tinutukso kasi siyang anak ng engkanto. Mukha bang engkanto itong baby natin? Ang ganda-ganda eh. Palibhasa mga chararat yung mga batang yun, mga hampas-lupa." Paglalambing niya sa anak ko. "Hindi nila alam, dugong-bughaw ito."

"Ano yung dakota?" Ulit na tanong niya.

"Ano... yung dakota, yun yung tawag sa mga taong... mga taong mahilig mamasyal. Ano ba ang ibig sabihin ng dako? Hindi ba ang ibig sabihin nun ay lugar?" Sabi ko.

"Tignan mo yang nanay mo nadaan sa daks kaya nabuo ka." Humalakhak ang bruhang bakla. 

"Ninang naman." Pinandilatan ko siya.

"Bakit? Totoo naman, ah." Umirap sa akin ang bakla.

"Halika na nga, Tintin. Baka malate ka pa sa klase mo." Sabi ko.

"Mammy Lola!" Tumakbo si Tintin kay Mammy na abala sa pagbabantay ng tindahan namin sa harap ng bahay at nakikipagchikahan sa kapitbahay. 

"Oy! Papasok na ang baby namin!" Tumalon si Tintin kay Mammy at sinalo niya ito ng yakap. Naglalambing na inamoy-amoy niya ang leeg nito at tawa naman ng tawa ang anak ko. "Ang bango naman. Amoy baby pero mamaya pag-uwi amoy suka na."

"Paano? Takbo kasi ng takbo." Sabi ko. "Tintin, halika na. Ano'ng oras na? Baka malate ka pa sa flag ceremony niyo."

"Mammy Lola." Lumabi ito.

"Nagpapacute ka na naman." Pinisil ni Ninang ang pisngi niya. "Ano na naman ang gusto mo?"

"Dagdagan mo baon ko. Sampung piso lang itong binigay sa akin ni Saskia." Sumbong niya.

"Sampung piso? Kawawa naman itong apo ko." Nakisakay naman si Mammy sa kaartehan ng apo niya. 

"Bakit? Kumpleto ka naman ng baon. May kanin ka dito, may sayote, saka may juice ka pa nga." Itinaas ko ang lunch box niya. 

"Eh gusto yung yemang binebenta ni teacher saka yung pastillas." Sabi nito.

"Sampung piso na yan, Tintin. Ilan ba ang bibilhin mo?" Umarko ang kilay ko.

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon