#NoGunsNoEntry Games

33.7K 1K 180
                                    

  A playful smile. "Gusto mo bang maging boyfriend ko?"  

One thing that's awesome about having a new face? Iyong magtrigger ng confusion sa ibang tao na ikaw ang kakilala nila pero at the same time magtrigger din ng idea na ibang tao ka. Tutal iniinis ako ni Dark ngayong gabi dahil sa lintik na Jak En Poy na yan, might as well play with him.

Hindi ko mabasa kung anong nasa isip ni Dark sa pamamagitan ng reaksyon niya. Technically wala siyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin pero maya-maya lang ay unti-unti na siyang ngumiti.

"No, thanks. Mauna na ako." Pakipot.

Tss. Sayang. Gusto ko pa naman sanang makipaglaro. Sa gilid ko ay naririnig ko ang bulong ni Coldie.

"Wasak na wasak ang puso ni Zerah-pak.. Basted. Hohoho." Kapag ba broken mahilig magkakanta? Pero hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip ay lumapit ako kay Dark na ngayon ay nakasakay na sa kotse niya. Kumatok ako sa binta at pinagbabaan naman niya ako ng salamin.

"Bored ako. Let's play." I smiled using my charming side.

Napataas ang kilay ni Dark na para bang sinusukat kung anong nakain ko. O kaya naman ay nainom ko. Actually, I drank a lot of drink tonight. Maybe, I am not sober or maybe that's just an excuse for this behavior.

"Sorry, Princess. I'm not your Knight. I can't entertain you when you're bored. Good night." Pagkatapos noon ay sinara na ni Dark ang bintana nito pero hindi ako papayag. Kaagad na pinasok ko ang ulo ko hanggang sa balikat papaloob dahilan para mapaatras siya mula sa pagkakaupo sa driver's seat.

"You are crazy! Lasing ka ba?!" Gulat at inis ang makikita sa buong mukha ni Dark pero hindi makakaligtas sa akin ang mabilis na pagsulyap niya sa mga labi ko.

"I want to play. Let's race." sabi ko ng hindi inaalis ang mga mata ko sa mata niya. I am freaking serious right now. I just want to have a car race to release all the stress and inis from that Sky and his walang kaduda-dudang kagwapuhan. Plus, it will be a nice memory. Racing with Coldie beside me against Dark. It'll be fun. I'll try to make fun. Just for tonight. I had enough stress galing sa mga Elders na yan.

Tsk. Now I am thinking about fun? I am not thinking right. Must be the alcohol kicking in.

"Fine. Anong makukuha ko kapag natalo kita?" Nakangising sabi ni Dark na para bang seryoso itong matatalo nga ako.

"That won't happen. Pero para lang bigyan ka ng false hope, I'll answer any question you like." Napatigil si Dark sa sinabi ko at tumitig sa akin.

"Anything?" He asked.

"Yes, Baby. Anything." sabi ko  ng pabulong, sapat lamang para marinig niya ang sinabi ko. 

"Baby. I could get used to you calling me baby." Dark winked after saying that. For a moment, alam kong nagulat ako sa ginawa niya but I managed to show now emotion at all. Wow. Mastering the 'I don't give a damn' face is really helpful.

"Don't. Wala kang tsupon sa bibig." sabi ko na nakapagpatawa sa kaniya ng ubod lakas.

"But if I win this race, which I am sure mangyayari..." Napatigil muna ko ng ilang segund para tantiyahin kung anong sasabihin ko. What do I want? What do I need? What do I desire to have after winning?

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon