KABANATA 44

12.1K 645 324
                                    

Tinitigan ko lamang si Antonio mula sa malayo. He was sitting on a log while staring into the distance. Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi ako kinausap ni Antonio. He was quite the whole day and was giving me cold shoulders. Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin, sasabihin niyang may kailangan siyang gawin. Minsan nga, hindi pa ako tuluyang nakakalapit, aalis na agad siya. I insited on cleaning his wound pero sinabi niyang si Amor na daw ang maglilinis nito. He was making excuses just to avoid me. And... The whole day, I haven't seen him smile. Naiintindihan ko naman kung bakit. Itinago ko kung sino ako habang marami akong nalalaman tungkol sa kanya. Hindi ko hinayaang makilala niya ako. At higit sa lahat, hindi ko siya natulungang ilogtas si Andres kahit na alam ko kung ano ang mangyayari. May mga inaalala pa siyang iba at imbes na tulungan ko siya, dumagdag pa ako.

"Go talk to him," Karlos said.

Umiling ako, "I-I'll give him some time to be alone."

Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tingin ko'y malapit ng maghatinggabi. Tahimik na ang buong lugar at halos lahat ay tulog na. I couldn't sleep nandito ako ngayon, tinitignan siya sa malayo.

"Talk to him," Karlos insisted.

"Gusto ko, Karlos. But I wanted to give him time to be alone." Napabuntong-hininga ako, "Saka, kung kakausapin ko siya, hindi ko naman masasagot mga katanungan niya. You told me not to tell anything about the future."

"Sabihin mo sa kanya."

Agad akong napalingon kay Karlos, "What?"

He sighed, "I-it's okay if you tell him. Alam na niyang nagmula ka sa hinaharap. If it'll answer all his questions, then it's okay if you tell him."

"Karlos—"

"You don't have time." Hindi na niya ako hinintay na magsalita at naglakad na paalis.

Anong ibig niyang sabihin?

I shook my head before taking a deep breath. Hindi ko man alam kung ano ang ibiga niyang iparating sa huli niyang sinabi, but he was right. I have to talk to Antonio. Hindi ko dapat patagalin 'to kung kaya ko namang sagutin lahat ng mga katanungan niya.

Hindi ko man alam ang maaaring maging consequence pagkatapos nito, but I'm prepared for it.

I walked towards him. Isinantabi ko ang kaba at takot na baka hindi niya ako kausapin.

"Antonio..." I called. I saw him flinch but he didn't answer.

I sighed at naupo sa tabi niya. "Alam kong gusto mong mapag-isa, alam kong ayaw mo akong kausapin. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo ako pinapansin. P-pero sana maintindihan mo kung bakit..."

I took a deep breathe, "Antonio, sorry. Hindi ko sinabi kasi..." Hindi niya ako tinignan. Nanatili lang siyang nakatingin sa malayo."Akala ko noon panaginip lang. A-akala ko pinagloloko lang ako. Pero, totoo pala. Nagising nalang ako isang araw, nasa gubat na ako. Tapos, nakilala kita. Hindi pa nga ako makapaniwalang bumalik ako sa nakaraan, isang-daang taon mula sa hinaharap. Napagdesisyunan kong sumabay nalang sa oras. Hayaang mangyari ang mga mangyayari. Pero mahirap dahil may alam ako sa mga mangyayari sa hinaharap."

That caught his attention. He turned his head towards me and his cold gaze landed on mine. "Kung ganun, alam mong mangyayari ito sa supremo?"

Tumango ako, "O-oo. Alam kong sina Bonzon at Paua ang dadakip kay Andres. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko nagawa. Ang kaya ko lang ibahin ay ang bawasan ang maaring nadamay noon." I started fidgeting my fingers, "I-ito ang mga bagay na hindi masyadong nakakaapekto sa hinaharap."

He didn't answer. Muli niyang inalis ang tingin sakin at napayuko.

"Antonio."

"Bakit mo ako pinigilan? Nailigtas ko sana ang supremo. May nagawa sana ako para mailigtas siya."

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon