[72] Hold me like you'll never let me go.

2.4K 72 32
                                    

Chapter Seventy-Two

LEWIS

I woke up around 12nn. Tanghali na akong nagising dahil madaling araw na kami natulog kanina. It’s one of the best nights of my life at ito na ata ang pinaka-kumportableng gising ko sa buong buhay ko. I don’t know. I’m just happy.

Tulog pa si Liam pagkagising ko. Malamang maraming alak na nainom yan kagabi. Buti na lang ako, konti lang kaya hindi masyadong sumakit ulo ko.

I did my morning rituals before going down. Kumakalam na ang sikmura ko. Bukod sa gusto ko ng kumain, gusto ko na ring makita si Patch. Hehehe.

“Goodmorning!” Bati ko kela Aicel, Sage, Pen, Bench, Thea at Reine na kasalukuyan ng nakaupo sa harap ng table. Wala pa pala ang iba. Baka napa-sarap ng tulog.

“Nuks! Ang ganda ng gising ah.” Kantyaw sa akin nila Sage at Aicel. Hindi ko na lang pinansin. Tong dalawang to talaga. Hahaha!

“Bakit ikaw, para kanino ka ba bumabangon?” Asar ko din sa kanilang dalawa. Tsk! They both blushed and I let slide.

“Hindi na uso yan, pre.” Lumapit si Bench at umupo sa katabing upuan ni Thea. “Dapat, para kanino ka nagpupuyat. Hehehe!”

“Reine.” Tawag ko dito. “T-Tulog pa ba si Patch?”

“Huh?” She raised her brow. “Hindi mo ba alam?”

Ano daw? (-.-’) “Alin ang hindi ko alam?”

“Maaga siyang nagising kanina at umalis. Carlo insisted na siya na ang maghahatid kay Patch sa kanila. Kaya maaga nga rin akong nagising ngayon.”

“Bakit daw siya umalis ng maaga?” Tanong ni Sage.

“I don’t know.” Nagkibit-balikat ito. “She didn’t tell me.”

“Aicel, alam mo ba kung bakit siya maagang umalis?” Tanong ko kay Aicel.

She shook her head. “Wala rin siyang nababanggit sa akin. Bakit naman kaya umalis ng maaga yun? Hindi man lang nagpaalam.”

“Ayaw na daw niya kasi kayong gisingin.” Reine answered.

“Why are you guys worrying too much?” Pen interrupted. “She’s safe with Carlo.”

“Oo nga! Umuwi lang. Maka-react naman kayo, parang hindi na kayo magkikita ah. Hindi aalis ng bansa yun! Kayo talaga. Hahaha.” Natatawang sabi ni Bench.

“Baka may emergency.” Thea said.

“Tatawagan ko lang.” Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan ang number ni Patch. “She’s not answering her phone.”

“Try calling her. I’ll call Carlo.” Sabi ni Sage at tinawagan na nga si Carlo. “He’s not picking up his phone. Nagdadrive yun panigurado.”

“Guys! Wag nga kayong OA! Tatawag yun pag nakauwi na.” Sambit ni Pen.

Kumain na kami at hindi na lang namin pinansin ang biglaang pag-alis ni Patch sa resort without prior notice. Hindi ko mapigilang mag-alala. I trust Carlo, okay? Pero kilala niyo naman ako e. Hindi ako mapapakali kapag si Patch na ang pinag-uusapan dito.

We decided to leave the resort at 1:30pm. Mag-isa lang ako sa kotse ko since mag-isa lang din naman akong pumunta dito. Sumabay na muna si Reine kela Bench.

I tried calling her and flooding her text messages. She’s still not answering my calls. Same with Carlo. Hindi rin ito sumasagot at nagtetext.

Dumerecho muna ako sa bahay upang iwan ang mga gamit ko. I took a quick shower and changed my clothes. I have to know if she’s home now.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon