Chapter 10

110K 3.5K 226
                                    

CHAPTER 10

LIBERTY immediately beeped Captain Red. Umupo siya nang matuwid sa backseat.

"Mam..." Nakita niyang parang naging balisa ang driver.  He was tightening his grip on the steering wheel. 

Liberty looked up outside, the men surrounded the car. Ang isa naman ay kinatok ang bintana sa gilid ng driver. Pero nagulat siya nang biglang umatras ang sasakyan at akmang lilipat sa kabilang lane. Nagkataong maluwag ang daloy ng trapiko at kakaunti pa lang ang dumadaan.

"What the hell, kuya! Stop the car!" Liberty yelled.  But the driver seemed to be dumb. Hindi siya nito pinakinggan. They are now swinging a full speed.

"Shit!"

Bigla na namang may  humabol sa kanilang sasakyan. This time ay dalawang sasakyan na.  Kahit na sanay siya sa ganitong mga eksena ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. What the hell is going on? Saan nanggaling ang mga humahabol sa kanya?

"I said, stop this damn car!"

Ngunit parang hindi siya naririnig ng driver.  Nang humarap siya sa sa windshield ay laking gulat niya nang may humarang na puting sasakyan. The car was unstoppable and she knew they would hit it in an instant. Mabilis niyang dinukwang ang driver at pikit-matang inapakan ang preno.

When she opened her eyes, she saw how close they were at the other car.  She was catching her breath when the other car opened. Hindi niya inaasahan ang lumabas mula roon. Bumalik siya ulit sa puwesto niya sa backseat.

Prenteng kinatok ng lalaki ang pinto sa gilid ng driver. Agad din naman itong bumukas. Pati ang sa gilid niyang pinto ay bumukas. Walang anu-anong lumabas siya.

"What's going on, Sir?" she queried.

"Ang tigas ng ulo mo."

"What?" kunot-noong tugon niya. The guy was piercing at her. Pero nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito.

"I told you to wait for me outside your apartment."

"Huh? Kailan n'yo pa sinabi? Wala naman tayong usapang gano'n. I thought we're just going to meet at the--"

"Meron. You didn't check your phone, did you?"

Agad namang dinukot ni Liberty ang cellphone mula sa kanyang bag. May tatlong mensahe ngang nakarehistro roon.

"Pasensya na, Sir. Akala ko kasi--"

"Next time, learn to ask questions," Theo snorted.

"Akala ko ba bawal magtanong," Liberty argued. Nagulat na lamang siya nang hinila siya ng kanyang boss. Ang maliit niyang maleta ay bitbit na ng isang lalaking naka-itim. Mukhang mga tauhan iyon ni Theo.

"Teka lang, Sir, bakit ba bigla na lang kayo nanghihila? Akala ko naman kung sino'ng naghahabol sa'kin. Tinakot n'yo pa ang taxi driver," aniya. Theo stopped and looked at her.

"Damn. That man isn't even a real taxi driver. That car was stolen from the owner. He was trying to escape."

Lumingon naman si Liberty sa driver na ngayon ay hawak na ng mga armadong lalaking kasama ni Theo.

"What?"

"Yes, he is."

"H..ow?"

"No more questions, Miss Parreño. Now, get in," ani ng lalaki sa kanya. Nakabukas na ang pinto sa passenger seat. Tumalima naman siya't naupo na sa loob. Umikot sa kabilang side si Theo at pinaandar ang kotse.

The truth is, nakahinga siya nang maluwag. She immediately sent a quick message to her team. Baka mag-alala pa si Captain. Sigurado namang recorded na ni Leigh ang lahat ng pangyayari kanina. She turned off her phone after a while.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon