Forty-Five

30.6K 953 44
                                    

"Arron."

Pagkagising na pagkagising ko, iyon agad ang kauna-unahang lumabas mula sa bibig ko. I felt better than the last time at alam kong pupuwede ko nang puntahan si Arron. I wanted to see if they were telling the truth. Gusto kong maniwala na nagsisinungaling lang sila pero even my mom wouldn't stoop that low para lang magpapahinga ako. Maging si daddy at si Dr. Robles, yun ang sinabi.They couldn't possibly lie.

But how could my Arron be unconscious? He's strong. I've seen him drive, kaya papaano siyang masasangkot sa isang car accident? The thought of him lying on the bed... it aches me. Ako dapat ang walang malay. Ako dapat ang nagpapaalala para sa kanya but now... Nawalan nga ako nang sakit. Nagkaroon nga ng improvement ang kondisyon ko pero nangyari naman ito kay Arron.

Will it ever stop? Is God really punishing me?"Allie," una kong narinig ang malambing na boses ni Mommy.Realizing how I acted yesterday, I feel embarrassed and ashamed of myself. Lalo na at sinigawan ko pa sila dahil sa gusto kong makita si Arron. I should have been calm pero kahit sino naman siguro ay ganoon ang magiging reaksyon.

Hanggang ngayon pa rin naman, gusto kong magwala-sumigaw at magpupumiglas para lang makapunta sa lugar kung nasaan si Arron but that is not the best way to convince them. Kung gusto kong makita si Arron, kailangan ko muna sundin ang mga gusto nila.

Kung kinakailangan kong magpakaanghel at magbehave na parang isang batang masunurin ay gagawin ko. I just need to see Arron. That's how badly I want to see him.

"Are you awake?"

"Yes po." tahimik na sagot ko kay Mommy.

"Do you want to drink?" tumango na lang ako. Tumingin ako sa loob ng room at napansin na wala si Robbie o si Daddy.

"Nasaan si Daddy at Robbie?"

"Nasa opisina mo si Daddy, si Robbie naman ay pumasok ng school dahil may pre-test siya ngayong araw."

"Frannie and Dominic wants to visit you. Do you feel like accepting any visitor today?" umiling-iling ako kay Mommy.

"Gusto kong puntahan si Arron."

"We promised you will right? Kailangan mo munang kumain, I will bring you to him after that. Okay ba yon?"

Katulad ng sinabi ko, kailangan kong sundin ang gusto nila kaya kahit na tinatanong nila ako ay alam ko naman na sila pa rin ang masusunod. They are right anyway. I need to gain some strength. May laban pa kami ni Arron. If he was ready to fight for me, then I'm ready to fight for him too.

"Will you be okay kung iiwan muna kita? Tatawag lang ako ng nurse. But you need to promise na wala kang gagawin kundi ang humiga lang, okay?" my mother tapped my head before walking to the door. Bago niya pa mabuksan ang pinto ay tinawag ko siya.

"Mommy." tumalikod agad si mommy at humarap sa akin.

"Yes, Allie?""May improvements na ba sa condition ni Arron?" lumungkot bigla ang mukha ni mommy at huminga ng malalim.

"Arron is still in a critical state." bigla namang bumigat ang pakiramdam ko sa walang pagbabagong lagay ni Arron. Inaasahan ko na sa ekspresyon ni mommy ang masamang balita pero hindi ko pa rin iyon matanggap.

"But... he'll be okay, right?" mommmy gave me a smile."Arron is a brave boy. And besides, you're by his side." bahagya akong napangiti sa sagot ni Mommy. She thought it was enough to cheer me up kaya umalis na siya nang kuwarto. I just pretended to smile even when I noticed how she avoided to answer my question.Well, I'm not going to give Arron any doubt. Alam kong magiging maayos din siya. I've been fighting my illness for years, and look at me now? I was getting better. He'll be okay. I know he will.He promised that he'll never give up. At umaasa pa rin ako na tutuparin niya ang pangakong iyon.Bumalik si Mommy kasama ang nurse. She checked everything that a nurse should do. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay ang matapos ito, makakain ako at mapuntahan si Arron.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon