Magic 42

5.4K 108 5
                                    





XXX

"Catastrophe"

Raven's Pov

'Buksan nyo ito pakiusap ! K-kaelangan kong iligtas ang lola at lolo ko!' Ani ko habang pinipilit buksan ang gate papalabas sa Loob ng lungsod ng palasyo .


'Hindi nga maari Binibini, bilin ng Heneral na walang pahihintulutan lumisan sa loob ng nasasakupan ng palasyo ' sagot nito .

Hindi nyo naiintindihan . Kaelangan kong iligtas sina lola at lolo . Kaelangan nila ako .


'P-pakiusap! Nagmamakaawa ako sa inyo . Nasa panganib ang buhay ng lola at lolo ko . N-nasa Belmoor sila at ngyon ay sinusugod ito ng mga hindi kilalang mga lalaki ' sabi ko .

Kaelangan kong makalabas dito sa kahit anong paraan . Kaelangan ko bumalik sa Belmoor . Gagawin ko lahat .

Bigla akong napaupo ng marahas akong tinulak nung isang kawal.

'Wala kaming pakielam sa basurang lugar na yun . Hinding hindi magsasayang ng kawal ang Heneral para sa mga mabababang dugo!' Ani nito .

Basurang lugar , mabababang dugo ! Bakit ?

Nagbubuwis rin naman kami sa bayan na ito diba ? Mas hamak na malaki ng kinukuha nila saming mga mabababang dugo .

Kahit hindi sapat ang mga kita namin pilit nyo kaming sinisingil ng buwis .

Tapos wala kayong pakielam kung anong man mangyari dito ? Bakit?

Tatayo na sana ako at gagamit ng dahas dahil masyado nilang minamaliit at binasura ang mga mabababang dugo ng may humarang na bulto ng lalaki sa aking harapan.

'P-Prince Night !' Nauutal na sambit nung mga kawal.

Tinitigan kong mabuti ang lalaki at tama nga sila si Prince Night nga ito .

'Let's go ' yaya nito sakin .

Bigla kumunot ang noo ko dahil roon.

'Bumalik na tayo sa Linford Academy ' dagdag pa nito .

Kaya tumayo na ako sa aking pagkakasalampak . At humarap sa kanya .

'Hindi' madiin kong tutol .

Tinitigan nito ang mga mata ko na animong nagsusukatan kami ng tingin .

Maya maya lang ay nagulat ako ng hinablot nito ang aking kamay at balak akong hitakin .

Ngunit hindi ako pumayag at marahas kong kinuha ang aking kamay sa pagkakahawak nya .

'Ililigtas ako ang lola at lolo ko. ' ani ko

Ngunit parang wala itong narinig at muling hinitak ako . Ngunit gaya ng kanina ay marahas kong muling binawi ang kamay ko .

'Bitiwan mo nga ako! Sabing ililigtas ko ang lola at lolo ko .' Bulalas ko .


Hindi ko inaasahan na lalabas ito sa bibig ko .At nung bigla akong tumingin sa kanya......nakita kong parang nabato sya sa kinaroroonan nya .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon