Level 91

2.5K 152 24
                                    

Wala sa sariling naglakad patungo sa bintana ang dalaga, patuloy ang boses sa pag tawag sa kanya.

"Come here Levi, I'll show you.." Muling tumango ang babaeng nag ngangalan na Levi at wala sa loob na binuksan nito ang bintana.

"Come over here, don't be scared of me,"

"W-Who are you?" Tanong ng dalaga ng makita ang ilaw na nagmumula sa kailaliman ng tubig na tanaw sa kanyang bintana.

"The protector of water."

"W-Water?" Ngayon ay tila bumalik sa katinuan ang dalaga, naguguluhan sa kung sino ang tao sa likod ng boses.

"Yes Levi, come here, I'll show you the truth." Nakakaenganyong anyaya ng boses kaya tila nawala nanaman sa sarili babae.

"I need you, come over here, embrace your fate." Tango ang isinagot ni Levi bago tuluyang tumalon sa bintana.

Tila walang hanggang pagkahulog ang naramdaman ng dalaga kasabay nito ang isa isang pagpapakita ng mga pangyayari sa isip niya.

"You are the chosen one, Levi." Halos magulat ang babae ng makita ang sarili sa ibang lugar, tila napunta siya sa isang panaginip kung saan nakikita niya ang sarili.

"B-But that was a big responsibility, I don't think I am deserving for that title." Sagot ng babaeng kamukha niya sa lalaking may edad na ngayon ay kausap nito.

"Everything was written in the stars, no one can ever break the prophecy. Levi, you are the hope of our land, walang ibang karapat dapat kung hindi ikaw." Seryoso siyang hinarap ng lalaki, bahagyang niyugyog ang katawan niya para makinig sa sasabihin.

"After Hydrus, you are the chosen one to protect this land. That mark of Hydrus contains one of the element that will keep the balance of Arcania."

Hindi siya makapaniwala sa nakita, pakiramdam niya ay unti unti na niyang natutuklasan ang ilan sa katotoohanang gusto niyang malaman, lalapit sana siya sa babaeng kamukha niya ng muli nanaman magbago ang lugar, ngayon ay nasa isang malaking hardin siya.

"B-Bakit may marka ka sa braso?" Muli siyang nagulat ng makita ang sarili sa katauhan ng iba pero ang mas nagpagulat sa kanya ay ang kausap nito.

"I am one of your protector, Isn't it obvious?" Nakangising saad ng lalaking kilalang kilala niya.

"You're kidding, h-hindi, bakit?" hindi makapaniwalang sabi ng babae.

"I am not, with or without this mark, I will always be your knight. Remember that."

Hindi na namalayan ni Levi ang muling pagbabago ng lugar dahil sa luhang pumatak sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman, hindi pa malinaw ang lahat pero isa ang sigurado siya, ang babaeng 'yon at siya ay iisa.

She can't be wrong, she felt it.

"Levi, alam mo ang mangyayari kung tatakbuhan mo ang kapalaran mo." Ngayon ay napunta siya sa isang silid kung saan may dalawaag babae ang nag uusap.

Hindi niya mapigilan ang luha ng muling may makitang pamilyar na mukha na kausap ng isa niya pang katauhan.

"I am not running away from it, ito ang dapat gawin. They were after me, they need me, hindi ko sila hahayaan na gamitin ako sa kasamaan."

"I don't want this but you know I'll go with you, I'll never leave your side." Sabi ng babae.

Napakurap siya ng muling mabago ang lugar pero ngayon ay wala siyang makita kung hindi puro puti sa paligid, walang tao, walang kahit ano.

"Levi..." Muli niyang narinig ang boses ng lalaki na kanina lang ay nag utos sa kanya na tumalon sa tubig.

"W-Who are you? A-Ano iyong nakita ko? Nasaan ako?" Sunod sunod na tanong ni Levi habang pinupunasan ang luhang bigla nalang lumabas.

That girl, everything. Pamilyar sa kanya ang lahat. Hndi siya sigurado pero pakiramdam niya ay siya talago 'yon. And the people she's with, she knew them. Gusto niyang malaman kung bakit sila nandoon at kung ano ang totoo.

"The truth Levi. The only way to know the whole truth is embrace your fate."

Huling sabi ng boses bago siya magising.

. . . . .

Alam ko madaming maguguluhan sa chapter na ito, feel free to ask me questions. Eto na guuuys malapit na hahahaha konting kapit pa, matutuklasan niyo na ang lahat.

Number 4 in Mystry/Thriller salamat pooo!

Lumalabas na yung pagka fantasy nung story hahaha sa mga naguguluhan sinabi ko naman sa umpisa na mystery, fantasy and romance ang genre nito kaya wala sanang malilito labyuuu.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon