Level 93

3K 162 95
                                    

"Let's go." Bakas ang pag aalala sa kanya ng makita ang reaksyon ko sa nangyari. Inabot nito ang kamay pero hindi ko iyon magawang hawakan dahil pakiramdam ko ay nanlalambot ako.

"Take my hand." May pagmamakaawang saad ni Kairo ng mapansin na wala akong balak kunin ang kamay niya.

"W-What are those?" Nagugulantang kong tanong kay Kairo nang hinila ako nito palayo sa mga nagkakaguluhang players.

"Sea monsters." Saad nito sa seryosong mukha.

"F-For real?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Isang tipid na tango lang ang ibinigay niya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin.

Kung ako ang tatanungin ay natatakot ako. Ngayon lang ako nakakta ng ganoong klase ng nilalang.

Harap-harapan kong nakita kung paano nito damputin ang isang player at walang pusong tinapos ang buhay nito.

"We have no time, use your key, unlock yourself." Gulat akong napaharap dito.

"W-What?" Nanginginig kong tanong.

I just witnessed someone's death with my own eyes.

"Your key, use it to unlock yourself from the chain." Ulit nito pero hindi ko magawang gumalaw, hindi ko maramdaman ang mga paa ko.

My friends.. Paano kung may mangyaring masama sa kanila?

"B-Bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat?" Naluluha kong tanong sa sarili.

Nilapitan ako nito at hinawakan sa magkabilang balikat, sinusubukang hulihin ang tingin ko.

"I am here, nothing will ever happen, as long as I'm here, baby." Lalo akong naiyak ng yakapin ako nito.

"Bakit kailangan tayo pa?" anong nagawa naming kasalanan para parusahan kami ng ganito.

"Everything happens for a reason. I'm sorry this is all my fault." Pagpapakalma nito sa'kin.

Ilang saglit pagkatapos ay kinuha niya ang susi sa'kin at sinubukan lumangoy pababa.

"W-Where are you going?" Pag pipigil ko dito.

"Shh, I'll just unlock you. Babalik ako kaagad." He assured.

Naguguluhan man ay hinayaan ko siya.

Ilang sandali lang ay nakalas nito ang kadena ko.

"Paanong.." Hindi makapaniwalang tanong ko.

"I just realized it now, I thought I'm just lucky to have my own key." Natatawa nitong saad.

"There is none. Wala talagang pinagbigyan ng susi mo kaya hindi mo talaga makikita ang may hawak nito dahil hawak mo ito mismo." Napatingin ako ng may magsalita sa likod.

"Hi Lex." Isang ngiti ang ibinigay sa'kin ni Nico.

Hindi ako makapaniwala ng makita kung sinong kasama nito.

They were here. All of them are here, hindi ko mapigilang matuwa kahit nasa gitna kami ng kapahamakan.

"Surprise?" Ngisi ni Mystic habang pinapakita ang susi niya.

"Wala ka talagang maaasahang tulong sa larong ito. Ang walang kwenta ng mga clue." Iritadong saad ni Karius.

"Maya maya ay susugod na ulit ang halimaw, tara na." Sabi ni Sue.

"Hide! Parating na siya!" Muling nagkagulo ang paligid ng may sumigaw na isa sa player.

"Mauna na kayo sa taas, pipigilan namin ang halimaw." Seryosong saad ni Eros bago tumingin sa'kin.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon