Chapter 13: The Other World

76K 2K 116
                                    

Chapter 13: The Other World

"Bakit mo ako dinala rito, Viex? At ano ba itong lugar na to? I mean, I know this is the forbidden woods in Finelry but... bakit ganito? Bakit parang ibang iba naman ata sa totoong mundo ang lugar na ito? It this one of your created illusions, again?" tanong ko sa kanya habang iniikot ko ang paningin sa buong paligid.

Kanina pa kami naglalakad pero parang hindi naman kami nakakarating sa pupuntahan namin. At hindi ko rin naman alam kung saan pupunta. I'm just following this evil, ahead of me. I have decided to finally call him evil since powers like these is only for evils.

Yeah, and I think I'm being close minded which is so not me. Since when did I start calling someone evil? And since when did I start being judgemental? Geez, Zeira. Conclusions are not always right. Stop concluding things, will you?

Itinuon ko na lang ang tingin sa likod ni Viex. Ang tangkad ng nilalang na to. Ang gwapo pa ng likod niya. Kung normal na tao lang sana to malamang nacool-an na ako sa kanya. Ang kaso-- Geez! Ano bang iniisip mo Zeira? Pinagnanasaan mo ba ang attacker mo? Muntik ka na nyang patayin, for beef's sake!

"I thought you're smart?" natigil ako sa paglalakad nang bigla syang magsalita. "Think. And stop blabbering things. You're just putting yourself into some sort of danger." sinasabi nya ang mga yon nang hindi humihinto sa paglalakad. May pagkabastos talaga ang unggoy na ito, ano?

At ano daw?

"What?! Dinala mo ako rito para pag-isipin kung anong lugar to? Are you out of your jelly mind?! Hindi mo ba alam na-- ahhh--" nanlaki ang mga mata ko nang biglang mabilis siyang maglakad pabalik sa kinaroroonan ko at saka ako hinatak papunta sa isang malaking puno.

Geez! Nakalagay ang isa nyang kamay sa bibig ko habang nakahawak naman ang isa sa kanang braso ko. Iyon yung pinanghila niya sakin.

"Ahhno bakdhs?" tintry kong magsalita pero miski ako hindi ko na maintindihan ang sinasabi ko. Tinry ko ring magpumiglas pero as usual, wala ring nangyari. Isa ba namang beast ang cumorner sayo, paniguradong wala kang kawala. Gaya ng unang beses nyang gawin ang bagay na to nung bigla niya akong dinala sa likod ng dorm at muntikang patayin. Ang pinagkaiba nga lang ngayon, hindi niya ako pinagbabantaan at wala siyang dalang kutsilyo.

Napansin kong kung saan saan rin siya nakatingin. Ano bang problema ng isang ito? Hindi naman sa gusto kong sa akin siya tumingin. Mas okay nga yon dahil medyo naiilang at natatakot pa rin ako sa mga tingin niya pero kinakabahan din ako sa ikinikilos niya ngayon.

Nang mapansin kong medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko ay mabilis kong tinanggal ang kamay niyang nasa bibig ko.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon