Chapter 20 - JASON OLAEZ

253K 7.2K 2.7K
                                    

Finally, ang chapter upang makilala si Jason :))

Sa mga nagcomment po pala ng Questions nila and location, mag-update po ako ulit ng Author's note para sa answers sa mga questions niyo :)

-Onneechan

_____________________________________________________________________________

CHAPTER 20 - Jason Olaez

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"Ang dilim dilim na! Ang hirap naman hanapin 'nun!" maarteng angal ni Julia.

"Kasalanan mo 'to. Wag kang umangal diyan." mataray naman na sabi ni Louisse.

Kailan ba matatapos ang away nitong dalawa?

"Bakit kasalanan ko?" nakataas na ang kilay ni Julia. Namula naman sa galit si Louisse.

"KUNG HINDI KA NAGPUMILIT NA PUMUNTA NA DITO, EDI SANA HINDI TAYO NAGHAHANAP DITO SA MADILIM NA SEMENTERYO! MAG-ISIP KA NGA!"

Nakakarindi. Lumayo ako ng kaunti sa kanila dahil naiirita na ako sa sigawan nila. Baka ba ganyan ang mga babae? Ang lalakas ng boses.

Halos mapasigaw na ako nang may itim na paro-paro ang mismong dumapo sa ilong ko. Nakaramdam ako ng kakaibang lamig. Lumipad na ang paro-paro.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sundan ang itim na paro-paro na iyon.

"Alexander?" rinig kong tawag sa akin ni Louisse. "Saan ka pupunta? Nahanap mo na?"

"Wait, wag niyo akong iwan!" sabi naman ni Julia.

Sinundan namin ang itim na paro-paro. Ang tataas na ng mga damo sa part ng sementeryong ito. At sobrang dilim. Cellphone lang ang tanging ilaw namin sa dilim.

"N-Natatakot na ako..." bulong ni Julia.

"W-Wag ka ngang kumapit sa akin!" nanginginig na sabi ni Louisse. "Pati ako natatakot dahil sayo eh!"

"Shhh..." sabi ko.

Parang may kumaluskos?

"May tao yata.." bulong ko.

"Sht. Alexander naman eh! This is not funny." sabi ni Julia na mas lalong humigpit ang hawak kay Louisse. Naglakad na kami muli upang sundan ang itim na paro-paro nang parang may nasunod talaga sa amin.

"A-Alexander.." bulong ni Louisse. "Natatakot na ako."

"Shh, malapit na tayo." bulong ko. Finally, tumigil na ang paro-paro sa harap ng isang malaki at matandang rubber tree.

"Anong meron dito?" bulong ni Julia. "Bakit ba kasi natin sinundan 'yang--"

Naputol ang sinasabi niya nang hawiin ko ang matataas na damo malapit sa puno.

'Here lies Geneva Givanim

Born: 19XX

Died: 19XX'

"Sino ba 'tong si Geneva?" naguguluhang tanong ni Julia.

"Bakit tayo pinapunta ni Rhianne dito?" tanong naman ni Louisse.

Napatingin kami sa paligid nang may marinig nanaman kaming kaluskos.

May nasunod nga sa amin. Napahawak sa braso ko si Louisse. Si Julia naman ay nagtago sa likod ko.

"Sino 'yan?" sigaw ko. "May tao ba diyan?"

Nag-echo ang boses ko at walang sumagot. Sobrang tahimik at ang dilim na ng sementeryo. Idagdag pa ang matataas na damo.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon