Chapter 26

231K 6.8K 2.4K
                                    

Hi! Sa mga mahilig pong magbasa ng love story, subukan niyo ang 'It Started With A Quiz' na isinulat ni queendaldalita ♥ Kakilig kahit simula palang ♥

Dedicated nga pala ang chapter na ito kay queendaldalita :D Sa mga pinangakuan ko ng dedication, wag po kayong mag-alala dahil hindi ko po un nakalimutan. Sa next chapter po ay idededicate ko na ito sa inyo :)

-Onneechan

__________________________________________________________________________

CHAPTER 26

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

"Maxwell, tara na." sabi ko. "Malelate na tayo."

Paulit-ulit akong kumakatok sa pinto ng kwarto niya.

"Maxwell, ano ba? Naiinis na ako. Tara na."

"..hindi ako papasok.." mahinang sabi ni Maxwell. Napapikit ako. Hayy.

"Pare-pareho tayong malungkot. Pero nakita mo ba kaming nagluksa ng ganyan? Buhay pa siya Maxwell. Wag kang sumuko." sabi ko. Naramdaman kong nasa tabi ko na pala si Alexander.

"At nakalimutan mo na bang babalik tayo sa orphanage ngayon para tanungin si Shane?" sabi ni Alexander.

Oo nga pala. Babalik nga pala kami ngayon sa orphanage dahil may kutob kami na may kinalaman si Shane kay Rhianne.

Unti-unting bumukas ang pinto.

"Tara na." seryoso niyang sabi at dumiretso na kaagad siya sa baba.

Pumasok kami sa school. Mabilis ang takbo ng oras at natapos kaagad ang klase. Absent si Shane kaya hindi namin siya nakausap kaagad.

"Mukhang kailangan na talaga nating pumunta sa orphanage." sabi ni Ian.

May naalala ako bigla.

"Guys.." sabi ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Naalala niyo ba yung kwento tungkol sa nasunog na bahay?"

"Ah oo, yung nasunog na bahay sa tabi ng bahay namin." sagot ni Julia.

"Diba, ang sabi sa ospital ay baka nakaligtas daw ang baby pero ang nanay ay namatay." dugtong ko.

"At ang baby ay maaaring si Rhianne?" tanong ni Ian.

"Oo. Baka si Rhianne yung baby kaya pinapunta niya tayo sa orphanage, sa nasunog na bahay at sa ospital." sabi ko.

"Malalaman natin ang totoo kapag nakausap na natin si Shane." sabi ni Alexander.

Paglabas namin ng school ay naglakad na kaagad kami papunta sa orphanage. Pagdating namin ay sinalubong kaagad kami ng mga bata.

"Kasama niyo po ba si Ate Rhianne?"

"Nasaan na po si Ate Rhianne?"

"Kayo po yung mga kaibigan nila Ate Rhianne at Ate Shane diba?"

Nginitian lang namin sila. Nakita namin kaagad si Lola Diana. Mas lalo yata siyang nagmukhang matanda. Mukhang pagod na pagod siya.

"Oh mga iho at iha, bakit kayo napadalaw dito?" tanong niya. Kahit mukhang pagod na siya ay nginitian niya parin kami.

"Okay lang po ba kayo Lola? Nasaan po ba si Shane?" tanong ko.

"Isang linggo nang hindi napapadalaw dito si Shane. Hindi ko nga alam kung bakit eh." malungkot na saad ni Lola Diana. Nagkatinginan kaming magkakasama.

"Gaano katagal niyo na po ba kakilala si Shane?" tanong ni Alexander.

"Sanggol pa lamang ang batang iyon at kilala ko na agad siya." sagot ni Lola Diana.

"Kung ganoon po ay matagal niyo na rin pong kilala si Rhianne?" tanong ni Ian.

"Oo. Matalik nga na magkaibigan si Shane at Rhianne. Hindi ko mapaghiwalay ang dalawang iyon. Parang kambal kung magsama." sabi ni Lola. Napangiti siya.

"Ganun po ba.." mahinang sabi ni Alexander. Mukhang may naiisip nanaman siya.

"Saan po ba nakatira si Shane? Akala po ba namin ay dito siya nakatira?" tanong ko.

"Minsan kasi ay sa simbahan siya natutulog." sabi ni Lola.

"Sa simbahan? But why?" maarteng tanong ni Julia. Ugh. Nakakainis. Paenglish-english pa. Badtrip.

"Hindi niyo ba alam? Halos pamilya niya na ang mga nagtatrabaho sa simbahan sapagkat doon siya iniwan noong sanggol pa lamang siya." tugon ni Lola Diana.

"Saang simbahan po ba 'yan Lola?" mabilis na tanong ni Alexander.

Dinukot ko agad sa bag ko yung map ni Rhianne.

"St. Jupiter's Cathedral." sabay naming sabi ni Lola Diana.

"Nasa map ni Rhianne. Iyon ang susunod nating pupuntahan." dugtong ko.

"Sige po Lola Diana, aalis na po kami. Maraming salamat po ulit. Paalam." sabi ni Alexander.

Nagpaalam na rin kami sa mga bata at pinangakuan sila na sa susunod ay magdadala na kami ng pagkain mula sa paborito nilang WcRonalds.

Lumabas kami kaagad ng orphanage at bumalik ng school upang sumakay sa kotse namin. Napatigil kami nang may humarang sa aming lalaki.

"Julia.." seryoso niyang sabi.

"What are you doing Jason? Umalis ka nga diyan." mataray na sabi ni Julia.

"Let's talk this over. Wag mo ako iwan. Please." nakita kong mahigpit niyang hinawakan sa braso si Julia.

"Ano ba! Let go of me! Masakit!" nagpumiglas si Julia ngunit mukhang mas hinigpitan pa nung lalaki yung hawak niya kay Julia. Nakakatakot yung itsura ng lalaki. Hindi ko mapaliwanag. Parang galit na galit.

Sa isang iglap, biglang bumagsak yung lalaki sa sahig.

"G*GO KA!" sigaw nung lalaki kay Alexander. "NANGINGIALAM KA TALAGA EH 'NO? BAKIT MO AKO SINAPAK?"

"Diba sinabi niya nang bitawan mo siya?" seryosong sabi ni Alexander. Umiiyak na si Julia.

"Tara na Alexander." sabi ko. Hinatak ko na siya papunta sa kotse.

Ano ba ang nangyayari? Bakit ganoon magreact si Alexander?

"Ang OA talaga ni Jason. Kainis." bulong ni Julia.

____________________________________________________________________________________________

I know. Ang lame ng update. Sorry po talaga :(

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon