Chapter 31

214K 6.6K 2.6K
                                    

'Onneechan Readers' po yung pangalan ng facebook group :)

-Onneechan

_____________________________________________________________________________

CHAPTER 31

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Anong ibig sabihin nyan?" tanong ni Julia.

"Hindi pa ba obvious?" mataray na sabi ni Louisse. "Diba nga, nakasulat na sa notebook ni Rhianne ang lahat?"

"Ibig sabihin..."

"Oo, Julia. Siya talaga ang kumuha kay Rhianne. Pero saan na natin sila makikita? Saan nya dinala si Rhianne? Anong kailangan niya?" sunod-sunod kong tanong.

"At ano ang ibig sabihin nya sa 'Akin siya. Akin lang siya'? " tanong naman ni Ian.

Tumingin si Alexander kay Louisse.

"Louisse, patingin nga niyang wig na hawak mo." Inabot naman ni Louisse yung wig.

Lumapit si Alexander sa kandila at tinapat ang wig doon.

"Wala ba kayong napapansin?" tumingin siya samin.

"Bakit?" tanong ni Louisse.

"Lumapit kayo dito." utos ni Alexander. Lumapit nga kami sa kanya.

"Hindi ba pamilyar ang wig na ito?" tanong niya samin.

"Ewan. Hindi. Never pa naman ako nag-wig eh." natatawang sabi ni Ian.

"Tsk. Maxwell, Louisse, hindi ba pamilyar sa inyo ng wig na ito? Kulay brown." sabi ni Alexander. "Parang buhok ni Rhianne."

"Ibig sabihin... yung taong nakikita ng Lola ni Ian tuwing gabi ay hindi si Rhianne?" tanong ko.

"Siguro... hindi si Rhianne yon. May nagsusuot ng wig na ito at ng jacket na red ni Rhianne tapos pumupunta tuwing gabi sa bahay natin." sabi ni Alexander.

"At ang sumaksak sa binti dati ni Maxwell ay hindi si Rhianne?" tanong ni Louisse.

"Oo. Hindi magagawa ni Rhianne yon. Hindi niya masasaktan si Maxwell." sagot ni Alexander.

"Ang tanong is kung sino yung nagpapanggap na Rhianne." sabi naman ni Julia. Napaupo bigla si Ian sa sahig.

"Siguro... kaya pinatay ang lola ko kasi nalaman niya na hindi si Rhianne yon." mahinang sabi ni Ian. "Malinaw na ang lahat."

Napaisip ako. Naalala ko yung mga panahon na nagigising ako bigla dahil parang may humahaplos sa mukha ko.

Siya rin kaya yon?

Yung taong nagpapanggap na si Rhianne?

Yung taong kumuha kay Rhianne?

Si Shane kaya yon?

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

*beep you have one mail beep*

Napatingin ako sa nagvibrate kong phone.

From: 09099999999

'Pumunta ka sa likod ng school. Ikaw lang. Kapag nagsama ka ng iba, may mapapatay ako.'

Napasimangot ako. Sino 'to?

To: 09099999999

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon