Flashback.1 year ago..
Ang saya ko! Magkikita kase kame ngayon ni Van e! Hihi.. Kilig ako >.<
Napunta na ko ng gym. Excited na talaga ako!! Hmp! Sana wala don si Stayce! Epal kasi yun eh. Akala niya ba magugustuhan siya ni Van? Ako ang girlfriend ni Van, ang Captain ng GD (Gold Dragons) Basketball Team. Pinaka gwapo sa lahat ng gwapo, matalino at dating bad boy. Napatino ko na kasi siya eh. Hehehe.
Sa wakas, narating ko na rin ang gym. Teka, bakit parang andami atang tao dun? Sabi ni Van wala daw tao dun kaya makakapagusap kame pero bakit parang..
Kinakabahan ako..
Pagkapasok ko ng gym. Nakita kong andaming tao, pero mas nakaagaw ng pansin ko si Van kayakap si Stayce tapos yung mga ka-team ni Van may hawak na 'Can you be my date?'
Natulala ako. Literal akong nanigas sa kinatatayuan ko.. Van and Stayce.. Sila ba? Gusto kong itanong. Gusto kong malaman ang sagot kay Van pero natatakot ako. Ang sakit at ang bigat ng pakiramdam ko ngayon..
"Van..why?" Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Oh! Look whose here? Ang ilusyunadang girlfriend DAW ni Van!"
Nagtawanan silang lahat. Ang masakit don, ako ang pinagtatawanan nila.
