Chapter 2

8.4K 664 88
                                    

"Why don't you have some spicy ramen, too? I bet it'll warm you up."

"I have a weak stomach, so I can't. If I ate something that spicy, the next day, I'd be like..."

"Look, they've got hiyashi ramen here, too!"

"So, dinner..."

"Want to eat here?"

Napalunok ako habang nanonood ng Ramen Daisuki Koizumi-san. Nagugutom ako. Nagugutom ako.

Gusto ko ng ramen!

Ihininto ko muna ang panonood. "Ma! Gusto ko ng ramen!" Pasigaw na saad ko kay Mama na abala sa paghuhugas ng pinggan sa kusina.

Katabi ko si Mimi sa couch na nanonood naman ng palabas sa tv. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok at hindi alintana na nagugulo na ito kapag tumatama sa kanya yung hangin ng fan.

Lumabas si Mama na nagpupunas ng kamay, mukhang kakatapos lang niya sa ginagawa. Napailing siya. "Bata ka, kakatapos mo lang maghapunan."

"Pero gusto ko ng ramen." Ungot ko. "Tingnan mo, Ma," Pinakita ko sa kanya yung pinapanood ko sa phone. Eksakto namang nasa nasabing pagkain naka-pause ang palabas.

Nanliit ang mata niya. "Anime lang 'yan."

"Pero gusto ko ng ramen nga."

"Ella, ha, gabi na. Saka ka na mag-ramen." Sabi niya sa akin bago naupo sa tabi ni Mimi. Kaagad naman siyang niyakap ng huli.

Gusto ko sanang ngumiti sa ka-sweet-an nila pero, hindi! May mission pa akong kailangang gampanan!

"Ma, sige na naman!" Pagpupumilit ko. "Nagc-crave talaga ako sa ramen, eh."

Yung anime kasi na iyon, eh. Ang lakas makahatak, ang sarap kasi tingnan tapos yung mga character...hay, ang cute nilang panoorin. Gigil!

"Tataba ka!"

"Magwo-work out ako, Ma!" Workout ang sinabi ko kasi imposible namang mag-diet ako. Anime is life, Wattpad is lifer, pero food is the lifest. Napaka-meaningful talaga ng buhay ko.

"Workout?" Nananantiyang tanong niya. "Paano ka magw-work out aber kung buong araw ka lang nakahilata sa kama mo. Anong work out ba 'yan? Baka naman sa panaginip lang 'yan. Nako, Ella, sinasabi ko sa'yo. Kapag naging lumba-lumba ka huwag kang ngangawa sa akin."

Napanguso ako sa sinabi niya. Kakain lang ng ramen lumba-lumba na agad? Hindi naman isang balde ang kakainin ko, ah. Si Mama ginagawa akong dayukdok. Mas napanguso pa ako nang tumawa si Mimi habang panay ang titig sa amin.

"Para kayong mga bata." Saad niya bago hawakan ang kamay ni Mama. "Mahal, hayaan mo na iyang anak mo."

"Gusto mo bang tumaba ng husto iyang anak natin?" tanong ni Mama.

"Hindi naman ako mataba!" Giit ko. Medyo chubby lang. Pisngi ko lang naman ang malaki, eh. Pero fit ako.

"Ella, sa susunod hindi lang pisngi mo ang lalaki kung hindi pati iyang buong katawan mo."

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon