Chapter 11

113K 3.1K 176
                                    

It was already late, and as always nag-overtime ako ngayon. Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang trabaho ko because I hold one of the most important job in this company.

Nang sa wakas matapos ako, I looked at the clock, it's quarter to 10 pm. Hindi ko na namalayan ang oras. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng office. I pressed the elevator button nang biglang tumunog ang phone ko indicating that I got a message. It was from an unknown number.

From: +639*********
I need to talk to you now. Please. It's Brenda.

• • •



Habang nakasakay ako sa elevator pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako o hindi. Something inside me is telling me to go and meet up with Brenda. Pero meron ring nagsasabing ayokong pumunta. Dahil parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan.

In the end I chose to go. Tinext ko siya kung saan kami magkikita. Kung ano man ang sasabihin niya siguradong importante yon dahil ngayon na niya mismo ako gustong makausap.

Sumakay ako ng taxi papunta sa sinabi niya. Hindi ko dala ang kotse ko ngayon dahil hindi iyon umaandar kaninang umaga.

Habang papasok sa lugar hindi ko mapigilang kabahan. Pwede ka pang umalis. I told myself.

I was about to go, but as I turned I saw someone. Hindi niya ko nakita dahil sa ibang direction siya nakatingin at mabilis siyang naglakad papunta doon.

Sinundan ko lang siya ng tingin. And I saw him approached a girl. What is he doing here? Akala ko next month pa siya uuwi?

I took a deep breath and walked slowly towards them. Malapit na ako sa kanila kaya rinig na rinig ko na ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung bakit pero pinili kong tumayo lang at wag lumapit ng tuluyan sa kanila.

"What happened to us was a mistake Brenda. Wag kang gumawa ng kahit na anong bagay na makasisira sa ating dalawa." Napakunot noo ako sa narinig ko.

"Anong mistake? Mistake ba ang paulit-ulit? You betrayed your girlfriend number of times already for this. Ginusto mo din ito Edwin." Medyo malakas na ang boses ni Brenda. Napapalingon na rin ang mga tao sa kanila. "Please, Edwin. Don't do this to me.. to us."

"I already told you. I'll take the responsibility. But not in the way that you want. I have a girlfriend." Frustrated ang boses ni Edwin.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Hindi mo maintindihan o ayaw mong intindihin? Okay. I have an idea kung ano ang pinaguusapan nila pero I just can't accept it.

"Edwin I need you. Our baby needs you." Desperadong sabi ni Brenda. Hinawakan niya ang kamay ni Edwin.

"Baby?" I unconsciously said. Both heads turned on my direction.

Mabilis na inalis ni Edwin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Brenda at tumayo. Halata sa kanya na kinakabahan pero ngumiti parin siya ng pilit.

"J-jaqie." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. I looked at him.

"You're talkig about a baby. Is she pregnant? Are you the father?" I asked still in shock. Hindi ako sinagot ni Ed.

"I'll tell you later, let's go." Sinubukan akong paharapin ni Ed sa likod para umalis pero biglang nagsalita si Brenda.

"Yes Jaqie. I'm pregnant." I looked at her. Matapang ang itsura at boses niya. "At si Edwin ang ama ng dinadala ko."

I heard Edwin cursed under her breath. I looked at him, then back to her. Masama ang tingin na ibinibigay ni Ed kay Brenda. But Brenda has a determined look on her face. She continued to talk.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon