Chapter 27

174K 2.6K 433
                                    

Nagkulong si Iko sa kwarto nya ng makapasok sya ng bahay .. iniisip nya pa din si Dara kaya naman tinext nya ito kanina .. ang kaso .. nagreply naman ito ng ‘ok lang daw sya at itutulog na lang nya yun.

Kaya gustuhin man nya na makausap pa si Dara ay hindi pwede. Hahayaan na lang muna nyang magpahinga ito.

Biglang pumasok si Elo  na ikinainis nya. Hindi nya gusto ang nararamdamn nya pero yun talaga ang  nararamdaman nya .. hindi sila tinuruan ng Nanay nya na magalit sa isa’t isa kaya nakakainis.

“Pwedeng maistorobo ka sandali?” tanong nito at naupo sa gilid ng kama nya.

“Bakit?” tanong nya dito at tinupi a ng binabasa nyang libro.

“Alam mo bang buong oras ka naming topic ni Venice?”

Nangunot agad ang noo ni Iko. “Ako?  Bakit naman?” takang tanong nya.

“Galit ka daw ba sa kanya or may nagawa daw ba syang kasalanan sayo?”

“Wala.”

“Eh bakit hindi mo sya pinansin kanina. Malamang sayo wala lang yun, pero kay Venice big deal yun .. so pwede mo ba syang kausapin?”

Pagak na napatawa si Iko sa sinabi ni Elo. “Bakit pa?”

“Alam mo naman si Venice may pagka childish yun hagga’t  hindi mo sinasabi sa kanya ng direkta na hindi  ka galit hindi maniniwa-“

“so ayan lang ang pinunta mo dito Elo? Yan ang pinoproblema mo?” gusto  nyang itanong sa kakambal kung hindi man lang ito nag aalala kay Dara.

Nagtatakang tumahimik si Elo sa mga sinasabi nya .. para syang tinamaan ng kidlat at naalaa ulit ang mga nangyari kanina …

“Actually Iko .. si Dara .. si Dara kasi may sinabi sya sakin kanina .. may-“

“May gusto sya sayo? Tapos sakin mo pa talaga sinasabi? Ano Elo, nang iinggit ka pa? pinapamukha mo sakin na sayo sya may gusto at hindi sa ak-“

Kusang napatigil si Iko at napa diretso ng upo sa kama nya , si Elo naman ay hindi agad nag sink in sa utak nya ang mga salita na lumalabas sa kakambal.

“Iko .. May gusto ka kay Dara?” di makapaniwalang tanong ni Elo.

“Ano .. kasi .. ganito yun .. ahm ..”

“Hala Iko! Nagi-stammer ka! May gusto ka nga kay Dara!” napapalakpak pa si Elo sa nakikitang pagka aligaga ng kapatid.

“May gusto ka kay Dara!” malakas na sabi ni Elo.

“Shut up!” inis na saway ni Iko sa kanya.

“Bakit ngayon ko lang nalaman yun? Ang tindi mo ah .. kailan pa? kaya ba malapit na kayo ni Dara sa isa’t isa?” sunod sunod na tanong ni  Elo sa kanya.

“Matagal na .. manhid ka lang talaga.” Pag iwas ni Iko.

Dahil sa sinabi na yun ni Iko natahimik si Elo .. saka napabuntunghininga. Tuluyan itong naupo katabi ang kapatid sa kama .. at ngayon ay magkatabi na silang nakaupo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko Bro ..” problemadong sabi ni Elo.

“Wala kang ibang dapat gawin kundi ang pabayaan si Dara .. hindi mo naman sya mahal diba? Hayaan mo na lang sya hanggang sa makalimutan ka nya ..”

“Pero bestfriend ko sya ..”

“Bestfriend mo nga sya .. hanggang dun lang kayo diba ?”

Naiiling lang ang isinagot ni Elo.

“Hoy anong u miiling ka jan Elo! Wag mong sabihin may nararamdaman ka din kay Dara!” react ni Iko ng makita si Elo na umiiling lang ..

Para naman tanga si Elo na napangiti habang tinitingnan si Iko ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon