FRIEND

486 5 0
                                    

Hi ako si hannah (di tunay na pangalan) di ako magaling na writer. Pero sana magustuhan nyo. Ang lahat po ng babanggitin ko ay nangyare sa totoong buhay. Di gawa gawa lang para takutin yung sarili ko.

July 19 2016 (tuesday) hapon nun. Nagpunta ako sa isang shop ng ukay ukay. Ng makita ko yung dress na itim. May mantsa pero madaling alisin dahil itim naman. Gaya ng lagi kong ginagawa. Bibilhin lalabhan isusuot. Kinagabihan. Habang naglalaba, bigla akong nakaramdam ng pagkabalisa yung parang bang may nagmamasid sayo mula sa malayo pero imposible kase nasa loob ako ng bahay at nakasarado yung pintuan at ako lang magisa sa bahay nung oras na yun dahil nasa trabaho pa ang asawa ko at 9pm pa ang uwi nya. Pinilit kong wag pansinin pero nakakapraning yung tingin ka ng tingin sa likod para masure na wala talaga. Hangang sa matapos ko yung nilalabhan ko. 7pm naghahanda nako para sa lulutuin. Ng may biglang kumatok. Paglabas ko wala naman. Mga apat na beses naulit. Pero wala talagang tao so hinayaan ko nalang.

Kinabukasan dayoff ng asawa ko. Agad nyang napansin yung dress na binili ko.

Nv
S: kailan mo nabili yan?
M: kahapon lang bakit?
S: nilabhan ko ulit hon medyo madumi kase yung pumatak mula sa damit nung nakita ko.
(Medyo nagtaka talaga ako dahil pulido ako pagdating sa paglalaba.. pero hinayaan ko nalang)

Habang naguusap kaming magasawa biglang nagtxt yung kaibigan ko na na namatay yung kaibigan namen.
Hit and run. Dead on arrival. Napagusapan na bukas ng gabi dadalaw kaming dalawa kasama ang asawa ko pagkauwi galing trabaho.

Gabi. Naghahanda na kami para matulog ng naulit ulit yung pagkatok pero wala naman tao sa labas. Ilang ulit pa naulit pero wala talagang tao. Di ko alam pero bigla ako nakaramdam ng takot pero gaya ng dati hinayaan ko nalang. Ilang oras pa nakatulog na si mister at ako hindi pa. balisa parin gaya ng dati. ng may makita akong babae sa labas ng pintuan ng kwarto nming magasawa. agad agad akong lumabas para hanapin. Pero wala.

Thursday..
Nagpunta kame ng burol kming tatlo. kaibigan ko ako at asawa ko.
Ng bigla akong hinablot ng nanay ng kaibigan ko at sapilitang pinasok sa kwarto. Di ko maintindihan kung bakit pero galit na galit talaga sya saken at pilit akong pinapaamin kung anong kinalaman ko sa nangyare sa anak nya. Habang yung asawa ko kumakatok sa labas nagtatanong kung anong nangyayare sa loob. ako din di ko alam kung bakit ganito nalang kagalit yung nanay ng yumao kong kaibigan.. heto yung exact na sinabi ng nanay nya kinatakot ko ng sobra .. ""nasaan ka nung namatay ang anak ko! bakit. bakit suot mo yang damit na suot nya nung namatay sya! di mo man lang nilabhan pati dugo ny andyan pa! Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng anak ko."" umiiyak na halos wala ng lakas si nanay habang nagsasalita.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung huhubarin ko ba yung damit dahil ""oo"" may mantsa yung dress na suot ko. Ito yung dress na nabili ko nung araw na namatay yung kaibigan ko. pero di ko alam. Wala akong alam. Kung paano nangyari lahat.

Kung mapost man po to. tsaka ko na po ikkwento lahat ng nangyare. Sinadya ko pong itago yung pangalan ng mga kasama sa kwento. medyo maselan po kase.

Hannah
Pampanga

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now