Shoot 64 "Henosis"

65K 3.4K 1.5K
                                    

SCHOOL WAR WORLD

This quest is harder than I expected, puro malalakas na monsters ang nakakasagupa namin dito. Lahat ay lagpas 90 ang level kung kaya't masasakit silang bumawas. Si CoolJace ang nangunguna sa amin habang nag-iikot kami sa paligid.

"Akyat lang kami sa taas," Sabi ni Darkshadow at tinukoy niya na aakyat sila ni Firephoenix sa isang sira-sirang building.

"bakit kailangan mo pang humiwalay?" Tanong ko sa kanya, it's much safer kung magkakasama kami sa quest na ito. Mas mababantayan namin ang isa't-isa.

"Kailan ka ba nakakita ng sniper na sumusugod sa laban?" Medyo natawa siya sa kanyang sinabi, oh, nakalimutan ko na pang-long range nga pala ang baril niya. "We're much useful in a long distance and we will cover you up, guys, don't worry."

Umalis na si Darkshadow at si Firephoenix at napatingin na lang kami nila Charm sa kanila. "Patay tayo riyan, magkasundo kaya 'yang dalawa na 'yan?" Sabi ni Digitalic at napatawa ang ilan. They're total opposite, parang kahit anong oras ay magsusuntukan 'tong dalawa na 'yon.

Majesty: Hey, iwasan mong makipag-away, ha!

Darkshadow: Wala pa nga akong ginagawa, eh.

Majesty: Knowing you, aangasan mo 'yang si Firephoenix.

Darkshadow: Okay-okay if he will not doing stupid things ay hindi ko siya gagalawin.

Majesty: good.

Darkshadow: But I think he's stupid so baka masipa ko siya.

Majesty: Heeey!

Darkshadow: Just kidding, masyado kang seryoso sa quest na 'to eh haha!

"Holy shit! Talon!" Malakas na sigaw ni CoolJace at mataas na tumalon ang mga kasamahan ko para makaiwas but for me, na-late ako. Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid.

Tumama sa akin ang maraming debris dahilan para masugatan ako sa noo at braso. Ang lakas nang pagsabog na iyon at halos mangalahati ang buhay ko dahil sa nangyari.

Sumugod sina Jace sa mga kalaban habang naiwan sa tabi ko si Charm. "Are you alright?" She asked. She opened her first-aid kit at nagsimula siyang gamutin ako.

"Solid yung tama sa akin,"

"Be alert next time. We should eliminate all the enemies while finding the town mayor," Paliwanag sa akin ni Charm. Charm is really skilled aider dahil saglit niya lang akong ginamot. "Try to move your arms."

Inikot-ikot ko ang aking braso at wala na akong kirot na nararamdaman dito. "It looks cool now." Sabi ko sa kanya.

Binunot ni charm ang dalawang desperado sa kanyang gun pocket . "Ready for action now?" She asked me.

Humigpit ang hawak ko sa Gold M4A1 ko. "Kanina pa," I started to run kung saan nanggagaling ang naririnig kong mga putok.

Sa paglabas ko pa lang n gaming pinagtataguan ay tatlong rebeldeng lalaki agad ang aking nakita. They saw and started firing on my direction. Mabilis akong tumakbo upang maiwasan ang kanilang mga bala. Kasabay nang pagtakbo ko ay ang pagbaril ko tungo sa kanilang direksyon.

Kagaya ko, medyo malikot din sila kapag binabaril kung kaya't ang hirap nilang asintahin.

"Bespren, tabi!" CoolJace shouted at naghagis siya ng bomba sa direksyon ng mga rebelde. Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid kasabay no'n ang pagkamatay ng tatlong rebelde. "Shit, ang cool ko sa part na 'to."

"Bulol, bawas ko na 'yon, KS ka lang." Sabi ko sa kanya.

Habang nagpapahinga kami ay nakarinig kami ng malakas na ungol at biglang nagliyab ang bahay na nasa aming tabi. Napatakbo kami palayo. "Hindi man lang ako nakapagpahinga!" Reklamo ni CoolJace.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon