xxix. a cryptic message

1.8K 49 18
                                    

Third Person's POV

"CAN'T you think of another names? Parang pinaglalaruan mo lang naman yata ang baby natin."

Jamie sulked at Eric who has been suggesting weird names to her.

"Hindi, 'ah!" Then he leaned to her stomach, "Pinaglalaruan ba kita, baby? Hindi naman, 'di ba?" Eric asked their unborn baby in a thin voice tone.

Mahinang natawa si Eric. Minsan, hindi niya maiwasan mairita kay Eric dahil pakiramdam niya pinaglalaruan lang ni Eric ang pangalan ng magiging anak nila habang siya naman ay seryosong seryoso sa pag-iisip. Pero madalas ay napapawi rin naman ang irita na 'yon dahil sa mga ganitong ginagawa ni Eric.

"Ms. Jamie, nakahanda na po ang kuwarto ninyo." One of the maids informed Jamie.

Sa ngayon, nasa mansiyon sila ni Smoke, ang ama ni Eric. Ang magiging Lolo ng magiging anak nila. At ngayon pa lang, naaamoy na niya na maiispoil ang batang dinadala niya dahil sa Lolo nito.

I mean . . . who would prepare different cuisines from different countries dahil lang bumisita sila kila Smoke?

Maliban doon, nakapagpareserve na kaagad ng slot si Smoke para sa magiging apo niya sa isang prestigious kindergarden hanggang sa kolehiyo. Aniya, it's better to be safe than sorry. #BigBrainMoves

"Pagod ka na? Tulog na tayo?"

Ever since they turned to the next page of their lives, she noticed how Eric has changed. Kahit pa minsan ay maloko pa rin ito, may parte na kay Eric na nagbago dahil unti-unti na ng nabubuo ang pangarap niya.

"Tabi tayo, 'ah." Malambing niyang sabi at pagilid na niyakap si Jamie. "Gusto kita katabi pati ang magiging anak natin."

Jamie rolled her eyes. "Ngayon ka lang yata lumambing ng ganito." May pagtatampo sa boses nito.

Kaagad naman na nagreact si Eric. "Hindi 'ah! Kinikiss nga kita every morning, afternoon, evening, second, minute, hour! Kiss pa kita ngayon, tarika." Ngumuso pa siya pero hinampas lang siya ni Jamie.

"Puro ka kalokohan! Sana hindi magmana ang anak natin sa 'yo, hmp!"

Umiling si Eric. "Huh! Magmamana siya sa 'kin, Jamie babe! Sa gwapo ko ba naman." Mayabang na sambit nito.

Ito na naman tayo. Simula nang malaman ni Eric na magkakaroon na sila ng anak ni Jamie, palaging pinagyayabang ni Eric na lalaki raw ang anak nila.

Anito, malakas daw ang pakiramdam niya.

"Kabag lang 'yan." Ani ni Axel noong nakaraan nang marinig ang pagmamayabang ni Eric.

"Kapag lumabas na siya . . . tuturuan ko kaagad siya magtanim! O kaya magbike. O magbasa! Tapos magcacamping din kami. Tuturuan ko siya kung paano magpatakbo ng business. Tapos palagi ko siyang lalambingin parang Mommy niya." Biglang lumambot ang boses nito.

Nitong mga nakaraan, naiirita na si Jamie dahil sa kakapilit ni Eric na lalaki ang anak nila. It's not because the sex of their baby bothers her, it's because of how confident Eric is. Sa hindi malamang dahilan, she feels like nanghuhula lang si Eric at kinakainis nalang niya 'yon bigla.

Dahil doon, pinapalayas niya ito sa kuwarto nila. Kaya kung minsan ay kay Vanessa nagsusumbong si Eric but as usual, Vanessa does not give a shit about Eric at palihim lang na ngumingisi. Sa loob-loob niya ay kinakampihan nito si Jamie.

Make this son of a bitch suffer, Jamie. She once thought.

At kaya naglalambing ngayon si Eric dahil ang akala niya makakatabi na niya ulit si Jamie pero nagkakamali siya. Hindi dahil nasa bahay sila ng Dad niya ay papatalo na siya.

Meet The Mafia Queen: End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon