Chapter 34

397K 17.5K 8.9K
                                    

#ABNQ34 Chapter 34

I spent the whole night feeling guilty about what I said. Was I too harsh? Did my words seem too ruthless? Was I being too insensitive for merely speaking my thoughts? Kasi 'di ba tama naman? Wala naman talagang kami.

Walang kami dati.

Walang kami ngayon.

At sa takbo ng mga bagay ngayon, ang labo lang.

The next day, I was determined to talk to Matt to explain myself. Ayoko lang kasi na isipin niya na masama ako. I care about what my friends think about me. I didn't want them thinking that I was too cruel and insensitive of Psalm's feelings kasi hindi naman ganon... I just couldn't think about anything else when my own pain was overwhelming me. That even the mere thought of Psalm has me grasping for air.

That's how badly he could affect me.

And frankly, it scares me.

Pagdating ko sa school, plano ko na dumiretso sa gym kasi sigurado ako na nandun sila Matt... but then I decided against it dahil nandun din si Psalm. And it's not like I didn't want to see him, but that I couldn't see him.

His presence was enthralling.

He was too much.

And I couldn't handle too much right now. I needed to remain steadfast on graduating. Kasi tama naman si Mama. I shouldn't let how I feel meddle with my future. Kasi kung para sa 'kin, para sa 'kin. I shouldn't let this distract me from pursuing my dream.

After sending a text to Matt, dumiretso muna ako sa library para ibalik iyong ibang libro na hiniram ko. Nagtext din kasi iyong beadle namin sa class na walang pasok sa first subject kasi may meting si Sir, so doon muna siguro ako tatambay. Kasi kapag pinuntahan ko agad sila Kitty sure ako na magchichismisan lang kami.

Pagdating ko sa lib, binalik ko agad iyong mga libro ko. I immediately proceeded to the Physics section para maghanap ng ibang babasahin nang mapa-hinto ako.

"Are you stalking me?" tanong ko nang makita ko si Marcus na naka-upo sa pagitan ng shelves ng Physics at Chemistry books. May naka-ipit pa na ballpen sa tenga niya tapos may pinapaikot siya na isa pang ballpen sa kamay niya habang naka-tutok iyong mga mata sa pahina ng binabasa niya.

Upon hearing my voice, he looked up. Kitang-kita ko kung paano napaawang iyong labi niya nang makita ako.

Hindi siya nagsalita. Mabilis siyang tumayo. Nalaglag tuloy iyong libro na nasa lap niya dahil sa bilis ng pagtayo niya.

"Yung libro," I said, pointing at the poor book that recklessly fell out of his lap.

"Ah, oo," sabi niya tapos lumuhod para kunin iyong libro at ballpen niya na nalaglag. Gusto kong matawa kasi parang nagpanic siya nung makita ako, pero pinigilan ko iyong sarili ko. But I really like it how he seemed to fuzz over whenever he sees me.

"Ayos ka lang?" I asked, biting my lower lip dahil ngayon naman, nagpapanic siya habang pinapasok lahat sa bag niya.

"Ha? Oo, ayos lang ako," sabi niya. Nang malagay niya na sa loob ng bag niya, sinuot niya 'yung backpack niya tapos tinignan ako. "Ayos lang ako," ulit niya.

"Sure ka?" I asked, still stifling my laughter.

Tinignan ako ni Marcus, tapos nilagay niya iyong kamay sa batok niya. "Bakit ka ba kasi nanggugulat?"

"Di naman kita ginulat."

Nilagay niya 'yung kamay niya sa dibdib niya. "Ang bilis ng tibok ng puso ko," sabi niya. Tuluyan na akong natawa dahil kung anu-ano na naman lumalabas sa bibig niya. At dahil sa tawa ko, naka-rinig kami ng sitsit mula sa kabilang aisle ng shelves.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon