♥️ Prologo ♥️

288K 4.9K 459
                                    

     "You said, hindi mo ako iiwan, sabi mo dito kalang sa tabi ko sabi mo ipagtatanggol mo ko sa kanila."

     Mahigpit na niyakap ng binatilyo ang dalagitang umiiyak.

     "Hush, Angel stop crying, babalik naman ako kaagad titignan ko lang naman kung ano na ang lagay ni Mommy then kapag nakita ko naman na okay siya babalik kaagad ako rito."

     Kumalas mula sa pagkakayakap ng binatilyo ang dalagita.

     Lalong nakaramdam ng paghihirap ng loob ang binatilyo ng makita na basang-basa ng luha ang mukha ng dalagita. Ang asul na mga mata nito ay punong-puno ng kalungkutan.

     Masuyong pinunasan nya ang luha sa pisngi ng babae.

     "Stop crying, please my blue-eyed Angel."

     "H-huwag kana kasi umalis." Garalgal ang tinig na wika ng dalagita.

     Kung puwede lang. Kung puwede lang, hindi sya aalis, hindi niya iiwan ang dalagita. Ngunit hind maaari na hind sya tumuloy sa New York.

     "Promise babalikan kita. Babalik ako. Wait for me okay, but Angel gusto ko rin na mangako ka, na habang wala pa ako ipagtatanggol mo ang sarili mo, na magiging matapang ka. Kapag inapi ka nila, please, fight back don't just stand and give in. Ipaglaban mo kung ano ang dapat sayo. Alagaan mo ang sarili mo, habang wala ako. Can you promise, please, for me, my blue eyed Angel?"

     Suminghot ang dalagita pinilit nito na patigilin ang luha. Sa asul na mga mata nito bakas din ang pag-hihirap ng loob sa napipintong pag-alis ng binatilyo.

    Humigpit ang pagkakahawak niya sa manggas ng damit na binatilyo.

"Please don't go." samo pa niya. Ngunit alam ng dalagita na hindi na niya mapipigilan ang binatilyo alam niya na hindi pwedeng hindi ito pumunta sa ibang bansa.

     Kasabay ng muling pagtulo ng luha ng dalagita ay ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa damit ng lalaki.

     "I promised, magiging matatag ako. Pangako na hindi ako papaapi sa kanila habang wala ka. Aalagaan ko ang sarili ko, habang wala ka."

     "Angel." mahigpit na niyakap siya ng binatilyo.

     "...and I promised too, na kapag hindi ka bumalik hahanapin kita, hahanapin kita kahit nasaan ka pa."

     Napangiti ang binatilyo sa narinig dahan-dahan nya inilayo ang dalagita.

     "I'm going back, babalikan kita hindi pwedeng hindi ko babalikan ang Angel ko. You're My blue-eyed Angel."

     Sa kabila ng patuloy na pagtulo ng luha ngumiti ang dalagita. Nang muli sya yakapin ng binatilyo, gumanti sya rin. Ngunit magkaganin man, sa puso nya ay may takot. Pakiramdam niya hindi na babalik ang binatilyo.

     Kung sakali man na hindi ito bumalik tutuparin nya ang sinabi nya rito, ang pinangako niya na hahanapin niya ito.

     Hahanapin nya ito kahit na anong mangyari.

~♤♤♡♡~

382018uvf 19:41

Helliza Sabida

All Right Reserved

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon