3. Is She A Gangster? ♡♡

152K 3.8K 1K
                                    

Si Dylan at Angela para kay Mars_BlackLove18 😊😊😊 salamat sa support

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Dylan at Angela para kay Mars_BlackLove18 😊😊😊 salamat sa support.

****
Pahikab-hikab si Angela habang nakatalungko sa mesa.

Inip na inip na siya sa klase ni Ms. De Guzman.

"Ms. Fuentebella." May bahid na inis na tawag sa kanya ni Ms. De Guzman.

Umayos siya sa pagkakaupo but she takes her time doing it. With a bored expression she eyed her professor.

"Nakakaantok ba ang klase ko para humilata ka dyan sa mesa mo?"

Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumango siya.

"Fuentebella!"

Napapikit si Angela ng tawagin siya ni Dylan.

Her heart beat faster, it's been so long... So long to hear his voice...so long that its make her heart ache.

Kung sana lang di ganon ang tono ng binata.

"What?" expressionless na binalingan niya ang binata.

Natigilan naman si Dylan ng magtama ang mga mata nila ni Angela. He's not sure, but he thought he saw longing in those blue eyes, na nawala din ng kumurap ito.

"Stop it." He said.

"Why? She's asking me. Kabastusan naman kung di ko sasagutin."

"Ms. Fuentebella hindi-" napahinto sa pagsasalita si Brena ng itaas ni Angela ang kamay sabay sabi...

"I'm not talking to you."

"Ms. Fuentebella!" Tawag ulit sa apelyido niya.

"Ano bang problema nyo at paulit-ulit nyo tinatawag ang apelyido ko?" She asked with matching paikot ng mata.

"After the break go to SG room ibibigay ko sayo ang punishment mo, is that clear?" Si Dylan na salubong na naman ang kilay habang nakatingin sa kanya.

Lihim naman na nagngitian si Brena at Reina.

Isang malutong na 'ok' ang sagot nya with matching tango pa.

"Stop it Fuentebella! I really don't like your attitude. Huwag kang umasal na parang may ipinagmamalaki ka na, pero pagdating naman sa klase, sa mga test at recitation wala na, I know your kind itinatago sa pagiging rebelde ang hina ng ulo! Come hear at isulat mo sa blackboard ang sagot sa question number four na nasa workbook nyo."

"Hmp. Served her right, akala mo kung sino,  for sure bobita din yan." Bulong ni Reina na pinaparinig naman sa kanya.

Tumaas ang kilay niya ng wala reaksyon si Ms. De Guzman sa sinabi iyon ni Reina.

"What are you waiting for ms. Fuentebella? We don't have all day to wait for you."

Angela extend her arms at inabot ang workbook ni Dylan sa gulat ni Brena.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon