Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 3

2.6M 53.1K 23.2K
                                    

Aemie's POV

"Eh? Ito na ba yun Zeke?" tanong ko habang nakatanaw sa isang bayan. Bayan ba talaga 'to?

"I think so? This is the nearest place, so I guess we're here."

Nung malayo pa kami ni Zeke ang iniisip kong itsura ng town, yung sobrang laki, madami mabibili. Pero mali pala ako. Sobrang lakas ng ihip ng hangin. Madami pa ring mga puno sa paligid. Mukha nga siyang maliit na bayan, pero mukhang bayan na matagal nang hindi pinupuntahan ng tao.

Nakatayo lang si Zeke habang naka-piggy back pa rin ako sa likod niya. Parehas kaming patingin-tingin sa paligid. Wala man lang kahit isang tao o sasakyan man lang na dumadaan. Parang yung mga town 'to sa mga zombie movies na pinapanood namin eh.

"Zeke, ayun oh." Tinuro ko ang isang sobrang taas na building pero mukhang bahay na may sign sa itaas na 'Apartelle'. Mukha siyang bahay kasi gawa siya sa kahoy pero parang building ang style. Ang gulo, 'di ba?

Nasagi ng ulo ko ang wind chimes na nakasabit sa pinto ng apartelle pagpasok namin ni Zeke.

"Dong, ibaba mo na kasi ako," giit ko. "Zeke, ano? Okay ka lang ba? Sabi naman kasi sa'yo maglalakad na lang ako eh."

Inayos ko muna ang damit ko na nagusot. Ang tagal ding karga ako ni Zeke habang papunta dito. Pwede naman kasi akong maglakad na lang eh. Hayy.

"Do you have a room for two?" Hindi man lang sinagot ni Zeke ang tanong ko, at kinausap ang babae sa front desk. Kaya naglalakad-lakad na lang ako ng konti para tignan ang buong apartelle.

Apartelle yung tawag ko kasi yun yung nakalagay sa labas, apartelle daw siya. Gawa sa kahoy yung sahig kaya tumutunog siya 'pag niyayapakan. Medyo kinikilabutan tuloy ako. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang horror movie. Idagdag mo pa yung lumang tugtog na naka-play.

"Ang gandang piano." Hahawakan ko sana ang malaking piano na nasa harap pero bigla akong sinita nung nasa front desk.

"Bawal hawakan ang kahit na anong gamit dito, Miss."

Lumingon agad ako sa direksyon nung babae. Hahawakan lang eh.

"Do I fvcking need to fill this all?" tanong ni Zeke sa babae habang hawak ang isang form.

"Opo, Sir," tipid na sagot nung babae kaya bumalik na ang tingin ko sa paligid.

Hinawi ko ang malaking kurtina na medyo maalikabok pa para masilip ko ang view sa labas. Grabe! Sobrang kapal ng ulap at ang dilim ng langit, feeling ko uulan nang malakas mamaya. Hayy. Hindi pa kami makakalis agad dito ni Zeke.

"Wife," tawag ni Zeke kaya lumingon ako. Sumenyas na siya para umakyat kaya sumunod ako.

Nakasunod ang tingin nung babae sa aming dalawa ni Zeke nung naglalakad kami kaya hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Bakit kaya siya nakikipagtitigan sa akin? Weird.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko kaya nawala ang tingin ko sa babae at nabaling sa mga kamay naming magkahawak. "Don't look at her. I'm getting jealous."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zeke. Aba! Type niya yung babaeng yun? Type niya 'yon ha ganon? Nag fill-up lang siya ng form at nag 'opo sir' lang sa kanya type na niya agad?

Aalisin ko sana ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi niya binitiwan ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang at nagpatuloy kami sa paglalakad. Makipot ang daan paakyat, saktong pang-dalawang tao lang at may kakaiba pang tunog 'pag naglalakad.

Nakapako ang mga mata ko sa nilalakaran ko kasi pakiramdam ko anytime mahuhulog ako sa ibaba dahil lumalangitngit ang sahig ng hagdan na gawa rin sa kahoy. Magkano kaya ang bayad ni Zeke dito sa apartelle? Gusto ko itanong dun sa babae sa front desk kung may mga kwentong kababalaghan ba dito kasi ang creepy talaga ng lugar.

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon