CHAPTER 41: THE NEW BOSS

1.4K 31 2
                                    


" I am no longer an Idol. Wala na kong sandamakmak na fans na ang tingin sa'kin ay perpekto. What I have here, are mens who I need to impress with everyday."

--

/DASURI/

"Sino 'yung kausap mo sa phone kanina? Exo member? Si Jin unnie?" bungad kong tanong pagkapasok ni Kai sa sala. Napansin ko kasi na may kausap sya sa cellphone habang papasok sa loob ng bahay.

Its been a months since bumalik kami sa bahay. Ang bilis talaga ng panahon sinong makakapagsabi na nasa ika-anim na buwan na ko nang pagbubuntis? Akalain nyo 'yun? Ngunit imbes na sumagot ipinatong nya ang kanyang braso sa balikat ko. "Wrong number. Gutom kana? Tara, magluluto na ko. Ano ba gusto mo?"

Halatang sinusubukan nitong ibahin ang usapan. "Kimchi spaghetti. Marunong ka 'non?" I tried to act normal kahit medyo may napapansin na kong kakaiba.

He pinches my nose and casually said, "Oo naman, wala namang hindi kaya itong asawa mo." then smile.

Jusmeyo. Naakit na naman ako ngitian nito. Hindi ko tuloy namalayang nahila na pala nya ko patungo sa kusina. Natauhan lang ako nang alalayan nya kong makaupo sa isang silya habang sya nagtungo sa tapat ng refrigerator upang kumuha ng mga sangkap na gagamitin nya sa pagluluto.

"Hubby," wika ko.

"Hmm?" Sagot naman nya without looking at me.

"Wala naman, naisip ko lang nagkakausap pa ba kayo ng mga kagrupo mo? Mahigit isang buwan na rin kasi since 'yung presscon nyo." Hindi naman sa nagrereklamo pero mula kasi nang magpahinga sya bilang idol. Never ko nang napansin na lumabas sya ng bahay para makipagkita sa mga kaibigan nya.

Oo, nakakatuwa na tinutupad nya 'yung pangako nyang magpo-focus sya sa akin at sa magiging baby namin. Pero ayoko rin namang mawala 'yung social life nya dahil 'don. Ayokong ikulong sya sa akin. May karapatan din naman syang mag-enjoy paminsan-minsan kahit pa sabihing may asawa na syang tao.

"Yes, we do. Madalas parin naman silang active sa group chat namin. Bakit?" Nagsimula na itong maghiwa ng mga gulay na gagamitin nya. I focus my attention to him.

"Hindi ka ba nila inaayang lumabas? Okay lang naman sa'kin basta magpapaalam ka lang." Napansin ko ang bahagyang pag ngiti ni Kai nang marinig ang sinabi ko.

"Well, busy rin naman sila sa kani-kanilang activities. Lalo na si Kyungsoo hyung sunod-sunod 'yung nakaline-up na drama na lalabasan nya. Sila Bakehyun at Chanyeol naman, busy sa mga variety shows. Samantalang yung iba sinasamantala 'yung pagiging hiatus ng grupo para makapagpahinga. Kaya wala rin panahon para magkita-kita." Patuloy lang sya sa pagaayos ng mga lulutuin nya. Ngunit hindi parin matanggal ang ngiti sa mga labi nito. Unti-unti na kong naiirita.

"Problema mo? Meron bang nakakatawa?," salubong na 'yung dalawang kilay ko. Seryoso kong nagtatanong tapos ngingiti-ngiti. "Para kang tanga," napahinto si Kai sa paghihiwa sabay lingon sa'kin.

"What?" he look so shocked and confused. "Sinabihan mo ba kong tanga?"

I rolled my eyes, "Bingi lang?" lalo namang hindi naipinta ang mukha ni Kai. Halatang di nya maabsorb ang mga pinagsasabi ko. Sorry naman.

Napailing na lang ito sa huli, "My wife really change now. Nakakaya na nya kong sabihan nang tanga? Ako na bias nya? Ako na halos sambahin na nya noon? Tsk. Tsk. Lahat talaga nagbabago habang tumatagal."

"Ang arte ng asawa ko," hindi ko na napigilan. Mahina kong hinampas ang balikat nya. Tanghaling tapat nagdadrama e. Bagay ngang artista. Haha. "Kasalanan mo rin naman e. Pinaramdam mo kasing mahal na mahal mo na ko. Ayan lumaki ang ulo ko. Haha."

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon