Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

CHAPTER TWO

96.9K 2.5K 91
                                    

Pakiramdam ni Jade ay biglang umikot ang mundo niya. She found herself in an entirely new place.

Hawak ang mga susi ng buong kabahayan na ibinigay sa kanya ng abogado at kipkip ang papeles, huminga siya ng malalim bago binuksan ang gate ng bahay.

The gigantic house with a wide lawn met her eyes. Napaluha siya habang hila-hila ang dalawang malalaking suitcase. Parang hindi pa tanggap ng sistema niya na wala na ang tiyuhin niya.

Nakaramdam siya ng matinding kalungkutan nang buksan ang bahay. It has a lonely aura kahit sobrang ganda at lawak ng living room. It was so quiet. Nakasabit sa gitna ang wedding portrait ng tiyuhin niya at ang asawa nito.

She cried looking at their faces.

Her shoulders shook as she cried hard. Napaupo siya sa sofa. Her sobs filled the entire house.

She remembered his uncle comforting her when her mother passed away. Kasama nito ang asawa na nakiramay sa kanya. They were both nice. Sa katunayan, gusto ng mga ito noon na isama na siya sa Maynila pero hindi pa siya handang iwan ang Bacolod. Gusto rin siyang ibilhan ng apartment noon ng tiyuhin pero tinanggihan niya. Ayaw rin kasi noon ng mama niya na umasa sila sa tiyuhin noong nabubuhay pa ito kaya kahit anong pilit ng mag-asawa ay tumanggi siya sa alok ng mga ito.

Ilang minuto siyang tumangis para sa mga ito hanggang sa kumalma ang pakiramdam niya.

"Hey! What are you doing inside my house?"

Napatayo siya sa gulat nang biglang may nagsalita ng malakas. Bigla niyang binawi ang tingin nang makita ang matangkad na lalaking naka-boxers na pababa ng hagdan.

Hindi pa nagsi-sink in ang tanong nito ay muli na namang umalingawngaw ang boses ng lalaki.

"Are you the maid from the agency? Bakit bigla ka na lang pumapasok ng walang paalam?" sunod-sunod nitong tanong.

Biglang gumuhit ang kunot sa noo niya.

"Maid?" she reacted violently.

"Mukha ba akong katulong?" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses. She looked at him controlling her gaze to move downwards.

The man smirked.

"Bakit kapag maganda bawal nang maging katulong?" nang-uuyam nitong tanong. He walked in her direction.

"That's a better job than being a prostitute," he added. She was speechless. Nakaramdam siya ng pagkapahiya.

"Now, tell me what you are doing inside my house before I sue you for trespassing," he said arrogantly. Tumigil ito nang isang dipa na lang ang layo sa kanya.

She opened her mouth to speak but she doesn't know what to say first. She later pursed her lips.

Tumingin siya sa sofa at dinampot ang envelop na ibinigay sa kanya ng abogado.

What if this is just a prank? Paano kung hindi pala totoong kanya ang bahay at ginoyo lang siya ng nagpakilalang attorney?

She shook her head. Nagamit naman niya ang susi na ibinigay ng abogado para makapasok sa loob ng bahay, ibig sabihin lehitimo ang sinabi ng abogado.

Muli niyang tiningnan ang binata.

"Ikaw ang ididemanda ko kasi akin ang bahay na 'to, Mr.—" tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang haba lang ng biyas nito.

"Mr. boxers," she muttered looking at his abs. Her eyes landed on his bulging front. Muntik pa siyang napalunok sa nakita. Mabuti na lang nakontrol niya ang sarili.

The man looked at her amusedly when her gaze moved up.

"Boxers talaga?" natatawa nitong tanong. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya. Nakakapikon kasi ang pagtawa nito. Kung bakit kasi ito naka-boxer shorts lang?

ChimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon