[75] Cause all of me, loves all of you.

2.5K 105 50
                                    


Chapter Seventy-Five

CARLO

Olla Everybody! My name is Carlo.

Siguro naiinis kayo sa akin ngayon dahil sa ginawa kong pagkanta sa bar ni Zion imbis na sabihing aalis si Patch kay Lewis no. Chill. Joke lang naman kasi yun! (^^.)

Pasensya na! (-__-) Nainis lang ako dahil ang bagal ni Lewis. Kung hindi sila kikilos agad, ako na lang ang gagawa ng first move. Effective naman, diba? Teka! Magku-kwento ako. Haha!

Papunta pa lang kami sa resort ng mga Sandoval, nagpaalam na sa akin si Patch na uuwi siya ng mas maaga dahil ihahatid nila ang Papa niya na maga-abroad. Doon ko naisip ang isang napaka-bright idea na ito.

May pagka-hopeless romantic kasi ang girlfriend kong si Reine kaya madalas, kasama niya akong manuod ng mga romantic movies. May isang scene don, kung saan hinabol ng bidang lalaki ang bidang babae sa airport. Naisip ko lang na mas maganda siguro kung live kong makita ang ganitong eksena. Hahaha.

Kaya kinuntsaba ko agad si Reine na kapag nakita niya ang kwintas ni Patch na bigay ni Lewis, kunin iyon at itago. Nabatukan pa nga ako dahil kung anu-ano na naman daw kalokohan ang ginagawa ko. Pero ginagawa ko lang naman ito para sa PaWis e. T_T

Sinabihan ko rin siya ng huwag sasabihin sa iba kung saan pupunta si Patch. Magpapaka-Missing in Action ang peg namin dito. Walang alam ang barkada sa plano ko bukod sa isa ko pang partner in crime na si Liam.

Nag-insist na rin ako kay Patch na ako na ang maghahatid sa kanila sa airport. Pumayag naman siya. Dumerecho agad ako sa bar ni Zion dahil alam kong doon sila pupunta pagkatapos ng outing namin. Sinabi ko sa kanila ang plano ko at nagsipag-agree naman sila. Aba! Henyo ata ako. Walang planong palpak pagdating sa akin. (^.~)

Bakit nga ba ako kumanta ng Leaving on a Jetplane? Wala lang. Trip ko lang. Hahaha. Na-LSS kasi ako sa PBB All In e. Tsaka sakto yung kanta sa plano ko. Haha!

Sobrang nagpipigil na lang ako ng tawa ko nang matanaw ko sila Patrick, Zion, Bench at Pen na malungkot ang facial expression. Solid! Mga artista na yan! Hahaha.

“A-Ano ba?! Sinong aalis?” Malumanay na tanong nito ngunit kabado siya.

“L-Lewis..” We muttered in unison. Serious serious din pag may time.

“SUMAGOT NGA KAYO!!” Sigaw niya at ito na ang hudyat.

Kinuha ko ang kwintas sa aking bulsa at ipinakita iyon kay Lewis. Alam kong nagulat siya. Kinuha niya iyon sa akin at tinitigan. Nanginginig nga ang mga kamay niya e.

“She gave me that necklace and she told me to return it to you.” Sabi ko.

Narinig ko rin ang pag-singhot at pag-hikbi ng mga kaibigan ko. Gusto ko sana silang batukan. Ang galing umarte e. Pero nang makita ko ang ginagawa ni Bench, hindi ko mapigilang mapangiti. Hahaha. Ang gandang eksena nito mamaya.

“W-Where is she?” Tanong nito.

“Sorry daw sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali. Alam niyang.. nasaktan ka din niya at sabi niya uhmm.. wala naman siyang duda sa pagmamahal mo sa kanya. Kaso, siya na daw mismo ang may mali. She said she’s.. hmm.. she’s going to find herself daw. And.. she.. she.. hmm.. she needed some space and time to think. Kung kayo naman daw talaga ang para sa isa’t-isa.. l-love will find your way back to each other’s arm. Sa ngayon pupunta daw muna siya ng.. A-Australia. Tama! Sa Australia siya pupunta.”

WOOOOOOO!! ANG GALING KONG MAG-IMBENTO! HAHAHAHA.

Tae lang! Nauutal pa ako dahil hindi ko napag-handaan ang speech ko. Buti na lang talaga, hindi nakahalata si Lewis na naba-blanko ako ng sasabihin. Hahaha. Buti, hindi rin kayo nakahalata.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon