[46.2] Weekend With Him

1.2M 23.5K 6K
                                    

CHAPTER 46.2: WEEKEND WITH HIM

 

 

KAYE ANNE’S POV

Waaaaaaahh! I’m so bored today. Sunday na Sunday wala akong magawa sa bahay. Wala akong ginawa kundi magbasa ng magbasa ng books at kung minsan ay sa wattpad na rin. 
Ano bang pwedeng gawin?! Kung nakamamatay lang ang boredom, baka kanina pa ako nakaburol. *Knock on wood* Maybe you would suggest to call my loving cousin Gail or perhaps Chloe. Naisip ko rin naman yan. (_  _”)

Kaso may kanya-kanyang silang date!! Wapak na wapak yun. Ipinagpalit nila ako sa mga hot boyfies nila. Ako na si Kaye Anne 'the miserable girl'. Minsan nga nagtatampo ako kina Gail and Chloe eh. Idamay ko na rin ang author kasi hindi na ako binibigyan ng POV. Pero okay lang, let them be. Kung saan sila happy, suportado ko sila. Nakanaks! XD

Ano ba pwedeng gawin?! Kanina ko pa tinatanong yan, wala naman sumasagot >_<

Knock knock knock…

 “Kaye, papasok ako ha?” Bumukas naman yung pinto. Si Ate Emerald yung boses na yan eh. Hindi na niya ako pinasagot kasi pumasok na siya.

“Bakit, Ate?” Nakahiga pa rin ako. I reached for the remote control and turned on my flat screen TV. Nakakainis! ’DAWN OF THE DEAD’ na naman ang pinapalabas sa Cinemax?! Paulit-ulit =_=

“Kaye, wala kang magawa?”

Napatingin ako sa kanya. “Bakit?” Parang tanga lang kasi nagtanong siya, tanong din ang isinagot ko.

“Tara, umextra ka muna sa restaurant.”

“May gagawin ako ate. Mamaya aalis ako.” I lied. Ayoko kayang mag-ala-waitress dun. Nakakabagot ang mga customers, mga demanding! Akala nila ako yung alien sa Ben10 na si Four arms. Ang daming utos, kutusan ko sila eh >__<

“Ahy, ganun? Sige. Akala ko wala kang magawa eh.” Palabas na siya ng kwarto ko nang magsalita ulit ako.

“Ako? Walang magawa,a te? I’m a busy person. Hahahaha!” She just smiled at me and left.

Phone rings…

Patakbo akong pumunta sa center table para makuha ang phone ko. Ganyan ang mga ginagawa ng walang magawa. >.>

Napataas ang isang kilay ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Nathan? Bat naman ‘to tumatawag?

“Hello, pandak?”

[“Kulet, libre ka?”]

“Bakit? Bibilhin mo ko? You can’t afford me. I’m priceless.”

[“Sira. May gagawin ka ba ngayon?”]

“Bukod sa matulog at magbasa, wala naman. Bakit?”

Sana yayain mo ko lumabas. Please! *crossed fingers*

[“Good, tara, stroll?”]

Napangiti ako ng malawak sa narinig ko. THANK YOU!

“Sure. Sunduin mo ako. Send ko sayo address ko.”

[“Alam ko na. Tanda ko pa naman ang mansion niyo.”]

“Hindi na ako dun nakatira. Nasa bahay na namin ako ngayon! Wait text ko sayo ha?”

Yieee! Hindi na ako mabobore. >.<

 

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon