Chapter Three

1 0 0
                                    


---The Big Plan.

Mike POV

NAIHATID KO, na kanina pa si Angelie sa kanila. At halos 8:OO pm na sa relo ko nang maka uwi kami ila jean. Pero hindi parin talaga maiwasang isipin ko ang oras na iyon. Umiinit ang ulo ko. Kumukulo ang dugo ko, kapag kasama niya ang lalaking iyon. Bakit sila nagkasama? Bakit masaya siya sa piling ng lalaking iyon?

Tssk. Kainis!

Hinagis ko sa hangin at mabilis kong sinipa sa sobrang galit ang ininum ko na san mig light in can.

Nagkalat sa daan ang natirang can at tumatagas ang laman nito sa gitna ng daan.

May araw karin sa akin, francis. May araw karin!

Tumayo ako sa pagkakaupo. At binuksan ang mini gate ng bahay.

Nang buksan ko ang pinto ay bigla itong bumukas.

Bumungad sa aking paningin ang aking bunsong kapatid.

"Oh, Efren? Salamat." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

Pumasok ako, at hindi ko maiwasang masagi ang balikat niya.

Munti na akong matisod sa loob ng bahay. Buti nalang, kaya ko pa. Kaya ko pa. At kakayain ko. Pa.

Natawa ako. Mahina. Habang nakatitig lamang sa akin si efren na parang hindi makapaniwala sa kuya niya.

Mga sampung san mig light yata ang nainum ko sa labas. Buti nalang kay andrew sinamahan niya ako. Pero umuwi una ang gago. Hindi man lang nag paalam. Makakatikim yun sa akin pag magkita kami.

"Kuya, kaya mo pa ba?" Tanong sa akin ni efren habang tanaw ang napakataas at makintab na hagdan. "Umakyat? Alalayan nakita. "

Nginitian ko si efren bilang tugon. Kahit papaano, kami lang dalawang magkakaptid ang nagtutulagan sa oras ng kagipitan.

Concern patong si bunso sa akin. Si papa wala talaga. Namatay nalamang siya na may galit sa akin. Ayaw ko na ibalik pa ang nakaraang car accedent. Ayaw ko na ma alala pa yon. Parang bumabalik lahat ang masamang nangyari sa akin.

Ang problema ko ngayon ay ang babaing iyon. Hindi man lang alam na nasasaktan ako sa ginawa niya.

"Okay lang ako efren." Tango kong sabi, at agad na humakbang sa hagdan. "Matulog kana rin. Yan bilin ni mom."

Naglingo ng ulo si efren at agad na isinarado ang pinto at agad tumungo sa kusina.

Nang marating ko ang taas. Bali second floor yung kwarto ko. At terrace naman ang third floor.

Pagkabukas ko nang pinto. Agad akong lumundag sa malambot kong kama.

Ang sarap sa feeling na nailabas ko lahat kanina ang mga hinanakit ko. Pero parang may kulang talaga.

Humikab ako.

Ano kaya ang ginagawa niya?

Teka lang...

Tumayo ako sa pagkakahiga, at dinukot sa ilalim ng kama ang binacular telescope ko.

Hindi ko parin makalimutan ang nag bigay ng regalo nito sa akin nong 22nd birthday ko.

Kumusta na kaya si mama sa austrillia? Next year pa uwi niya. Palagi video call at padala lang ng pera alam niya. Hindi ba niya alam na nababaliw na anak niyang lalaki sa isang babae lamang.

Napangiti ako sa naiisip ko.

Tumayo ako, at umalis sa kama. Tinungo ko ang bintana. At hinawi ang makapal at mabigat na kurtinang kulay grey.

Salamat sa diyos. Umayon ang panahon sa akin.

Inilapat ko ang binacular telescope sa mga mata ko. Insaktong naka rehestro sa bintana ng second floor ng kabilang bahay. Kapit bahay namin.

Maganda ang gabi. Walang ulan. Nag ning ning ang bituin sa kalangitan, kasing ning ning sa nakikita ko ngayon na babaeng nakaupo sa pink na kama. Nakasuot ito ng pantulog. Naka lugay ang buhok. Parang bagong ligo dahil basa. Naka reading glass habang nakaupong nagbabasa sa kamay na hawak nitong libro.

Ang ganda mo talaga jady.

Zi noom ko pa nang kaunti. Hanggang sa makita ko ang kabuan na mukha niya.

Ang mala anghel na mukha. Mapula at kissble na labi. Mapulang pisngi at mapungay na mga mata.

Heaven..

Gusto ko siyang lapitan at kausapin. Pero sa panaginip nalang ang lahat yata iyon.

Hindi ako nakatiis. Binuksan ko ang aking bintana. Para klarong klaro ko lahat talaga. Ibinalik ko sa mga mata ang binacular telescope.

Malayo layo rin ang pagitan ng bahay namin. Kaya nga ito ang ni request kong i gift kay mama sa akin, para makita ko siya nang malapitan. Kahit na hindi mahawakan siya. Okay na sa akin.

Malamig na hangin ang humahampas sa aking mukha.

Bumaliktad bigla sikmura ko. Parang masusuka ako.

Saglit ko inilagay sa sahig muna ang binacular telescope at yumuko. Tinutop ko ang aking bibig gamit ng aking kanang kamay at diniin ko naman ang aking tiyan gamit ang aking kaliwang kamay.

Wag naman.shit. Wag ngayon.

Ilang segundo lumipas. Mga 2O minutes yata, nawala ang pagkasuka ko.

Kinuha ko balik ang binacular telescope sa sahig.

At nang i focus ko ulit sa kapitbahay ang paningin ko ay muntik na akong matumba sa sobrang gulat.

Hala!

Nakatitig sa akin si Jady!

Taas ang kaliwang kilay nito at nakapamewang. Ito ang mga kadalasan niyang ginagawa kapag galit siya sa akin.

Ngumiti ako habang nagkamot ng ulo.

Awkward naman...shit.

Kumaway ako. Pero siniradohan niya ako ng kurtina.

Atleast nakita ko siya ngayon. At napansin niya presinsya ko. Okay na ako. Panatag na ako. Nabuo na ang kulang na hinahanap ko.

Ang sarap talaga niya tignan kapag nagagalit. Lalo siyang gumaganda.

Pero hindi ko parin maiwasang sumagi sa isipan ko si francis. May araw karin sa akin. Makikita niya!

Hinagis ko sa kama ang binacular telescope at tinungo ang drower Cabinet, at kinuha ang walang lamang sulat na card.

Sa bagay na ito. Mag kakaron ako ng hustisya.

Sa bagay na ito, makakamit ko na ang pinapangarap kong mapansin. At ma aayon ang plano lahat sa takdang panahon.

Lumundag ako pa balik sa kama. Humiga. At ini imagine sa utak ang lahat na mga mangyayari.

Napangiti ako sa naiisip ko.

Humanda ka sa plano ko!

.....  

The more I hate, the more He loveWhere stories live. Discover now