Epilogue/ Last shoot

71.9K 4.1K 1.5K
                                    

Real World

"Last picture na!" Sigaw nung photographer habang nasa park kami ng school, we're all wearing our graduation uniform and a happy smile plastered in our face.

Nag-wacky ako sa harap ng kamera at matapos namin marinig ang flash ng camera ay natawa kami ng aking mga kaklase.

"Mami-miss ko kayo!"

"Uy tumawag kayo, ha!"

"Walang kalimutan!"

Iyan ang mga salitang madalas kong naririnig. hindi mapantayan ang saya ko dahil sa wakas, nakuha ko na ang diploma na matagal kong hinihintay. Kakatapos lang ng graduation ceremony namin, and now, we're all saying good bye sa isa't-isa.

"Wala pa si Raydin?" Tanong ni Jace sa akin.

I texted Raydin a while ago, hindi ko nga alam kung makakarating siya dahil kahapon ay lumipad siya pa-Ilocos dahil sa isang biglaang meeting.

"Mukhang hindi siya makakarating," sabi ko kay Jace. Naiintindihan ko naman si Raydin, matapos niya kasing hawakan na ang kanilang kumpanya ay naging busy na siya, he's running a big company.

"It's sucks. Importanteng araw pa naman ito para sa'yo. By the way, ngayong graduate ka na, paplanuhin ninyo na ang kasal ninyo?" He asked.

It's almost a year na ang nakakalipas nung nag-propose sa akin si Raydin. Pero nangako kami sa isa't-isa na magtatapos muna ako bago namin planuhin ang lahat.

Kumamot ako sa aking tenga. "Baka."

Nakipag-usap ako sa iba naming kaklase at nagpaalam sa kanila. This section is awesome. I graduated as sumacumlaude of our batch and they are all happy with it.

Sa 'di kalayuan ay may natanaw akong isang lalaki. Tiningnan ko itong maigi upang masiguradong siya ito-- si Raydin nga.

Napatakbo ako tungo sa kanyang direksyon at kumapit sa kanyang leeg at mahigpit na yumakap. "Shit, I thought hindi ka makakapunta ngayon,"

"Hindi ko papalampasin ang pag-graduate ng babaeng minamahal ko." Sabi niya ang he kissed my forehead. "Congratulations, ang ganda mo habang suot mo 'yang toga ninyo pero sa tingin ko ay mas maganda ka kapag suot mo na ang wedding dress mo." Pabiro niyang sabi.

"Siraulo," sabi ko. "Na-miss kita." Muli akong yumakap sa kanya nang mahigpit.

"Paano pala kapag pumunta na ako sa meeting ko sa Japan next year, baka ngumawa ka na sa pagka-miss sa akin." Sabi niya na naman.

"Sasama ako. Baka mamaya mambabae ka pa." Sabi ko.

"Ikaw lang ang nag-iisang unggoy na mahal ko," sabi niya.

"Ikaw lang din ang nag-iisang demonyo na mahal ko." Sagot ko.

Matapos kong sabihin iyon ay hinalikan ako ni Raydin sa aking labi.

Kumain lamang kaming dalawa at ini-enjoy ang mga oras na kami'y magkasama. "Mag-o-online ka?" Tanong niya sa akin.

"Yup," sagot ko.

"Hindi ka pa rin talaga nananawa na laruin ang SWO, 'no?" Naiiling niyang sabi habang nasa biyahe kami pauwi.

"Hinding-hindi ako mananawa dahil doon kita unang nakilala. That's a memorable place para sa ating dalawa." Sagot ko sa kanya.

Pagkauwi ko ay tiningnan ko ang instagram ni Raydin. Puro my day iyon na punong-puno ng kalokohan naming dalawa pero ang the best ay ang ni-post niyang picture.

 Puro my day iyon na punong-puno ng kalokohan naming dalawa pero ang the best ay ang ni-post niyang picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Raydin20: It's her turn.

School War World

Pagka-online ko ay maraming mga estudyante ang napapatingin sa akin. Karamihan ay mga new players. Ngumiti ako sa kanila at kumaway at masayang-masaya naman sila sa aking ginawa.

Majesty
Level 100

Matapos ang halos dalawang taon kong paglalaro ng SWO ay naabot ko na ang maximum level nito. Lumibot ako sa buong BWU.

Pumunta ako sa likod ng isang school building kung saanuna kaming nagkakilala ni Raydin. Nagkasama kami sa isang quest, we treated each other as enemy. Ayaw namin sa isa't-isa noon.

Dumaan din ako sa hallway kung saan madalas kong makita si Raydin na naglalakad, maangas ang tingin ko sa kanya noon. Ang pangit pa ng reputation niya.

Pumunta ako sa clubroom na kung saan naalala ko ang lahat ng masayang alaala. Dito nagsimula ang BraveOrions. Ang grupo na pinakamamahal ko rito sa SWO.

Katana: Nasaan ka na, Majesty?

Lucky: Nasa boss raid na kami.

By the way, tuluyang gumaling si Lucky sa kabyang sakit. Naka-recover na siya and we're all hoping na huwag na sanang bumalik ito.

Majesty: papunta na ako.

Pagkalabas ko ng clubroom ay nakatayo na sa labas si Darkshadow. "Akala ko ba ay hindi ka mag-o-online?" Tanong ko sa kanya.

"Siguro marahil kahit sa game ay ayokong nawawalay sa'yo." Sabi niya sa akin.

Ikinasa ko ang aking baril at tumingin sa kanya. I am now ready for this quest. "Showtime?" Tanong niya.

"It's Showtime."

Ready. Aim. Shoot!

End.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon