Kabanata 10

15.3K 527 18
                                    

Kabanata 10

Absinthe

"Ta, pwede po ba akong lumabas mamaya?" tanong ko kay Tita habang naghahanda ito ng makakain namin para sa hapunan.

Nilingon ako ni Tita. "Gabi na ah. Sinong kasama mo?"

"Kami ni Jeni, Ta. May pupuntahan lang naman kaming gig ng isang banda." sabi ko.Ang tinutukoy ko ay ang banda nina Helion na tutugtog sa isang bar. Ilang beses na akong pinilit ni Jeni at ngayon lang ako naglakas loob na magsabi kay Tita.

Pinagmasdan ko si Tita habang dahan-dahan nitong ibinaba ang sandok. Nagpunas ito ng kamay at tuwid na humarap sa akin. "Raya, matanda ka na. Minsan ay nakokonsensya ako na hindi mo naeexperience ang mga naexperience na ng mga kabataang nasa edad mo. Pero mabuti na rin yung nagsasabi ka sa akin. Papayagan kita ngayong gabi. "

Ngumiti ako. "Thank you po Tita. Pero kung sakaling gabihin ako, pwede po bang kay Jeni na lang ako matulog? Mas malapit po kasi doon sa kanila yung venue, Tita."

"Sige. I-text mo ako para malaman kong safe ka." dagdag pa ni Tita at bahagyang ngumiti sa akin. Sinulyapan ko ang orasan sa dingding. Mamaya ay susunduin ako ni Jeni at may isang oras pa naman ako para maghanda. Kakain na lang muna ako dito pagkatapos ay magbibihis agad.

Tinulungan ko na lang si Tita sa pag-aayos ng hapag pagkatapos ay kinuha ko na si Lola para isabay sa amin sa pagkain. Nanunuod lang naman ito ng tv sa sala.

Nauna akong matapos kumain kaysa kina Tita. Sinabihan na ako nitong 'wag ng tumulong at asikasuhin na lang ang sarili. Hindi na ako tumutol pa at umakyat na ako sa aking kwarto para maligo at magbihis.

Isang itim na dress ang aking inihanda na lumagpas lang nang bahagya sa gitna ng aking hita. Hindi naman ito nagpapakita ng masyadong balat. Pinatungan ko na lang ito ng denim jacket na iniregalo sa akin ni Jeni noong nakaraang kaarawan ko. Nagsuot ako nang di kataasang sandals. Sakto lang para tumangkad ako ng kaunti. Naglagay lang ako nang kaunting pulbos sa aking mukha at lipstick na pink sapat para magkaroon ng kulay ang aking mga labi. Hindi ko na inabalang ipuyod pa ang aking buhok dahil bahagya pa naman itong basa. Hindi ko ito basta-bastang itinatali dahil madaling sumakit ang ulo ko.

Sa aking maliit na bag na dala ay isinilid ko ang aking cellphone, panyo at wallet. Sinuri kong muli ang sarili sa salamin bago ako tumango uoang sang-ayonan ang ayos ko. Bagay naman na ito siguro sa pupuntahan namin ni Jeni.

Nang bumaba ako ay sakto namang pagtawag sa akin ni Tita para sabihing nasa labas na si Jeni. Nagmano ako sa kanilang dalawa ni Lola at nagpaalam na bago lumabas upang harapin ang aking kaibigan.

"Wow! Ngayon ko na lang ulit nakitang isinuot mo ito!" tukoy ni Jeni sa suot kong regalo niya. Ngumisi ako.

"Wala naman akong pagsusuotan nito." sabi ko. Hinila niya ako papunta sa kanilang sasakyan at sumunod na rin sa akin sa pagpasok. Binati ko ang kaniyang driver na ngumiti lang naman sa akin.

"Pero bagay sa'yo ang damit. Nagmukha kang beauty queen." aniya at bahagya pang tumawa. Ngumuso ako at pinagmasdan ang ayos niya. Pulang off shoulder na blouse at skater skirt ang suot ni Jeni na pinaresan ng may kataasang wedge shoes. Sa ayos ni Jeni ay masasabi mong may kaya talaga ito. Maliban sa mayaman siya ay maganda rin naman si Jeni. Malaporcelana ang kutis at maganda ang pares ng mga mata ni Jeni.

Ilang minuto lang ay huminto ang sasakyan nila. Naunang bumaba si Jeni at hinintay akong bumaba bago niya pagsabihan ang driver na balikan kami maya-maya kapag natapos na ang pinuntahan namin.

"Tara na! Baka magsisimula na sila!" hinila ako ni Jeni paakyat sa hagdan. Hinarap namin ang dalawang bouncers na nagbabantay. Hindi naman kami nito pinigilan sa pagpasok siguro'y alam na hindi kami menor de edad. At the age of almost twenty, nakikisabay rin naman ang pagmature ko.

Nagpatianod lang ako kay Jeni habang naghahanap siya ng pwesto namin. Sa huli ay tinungo namin ang taas at naghanap ng pwestong para sa aming dalawa lang.

May dumaang waiter sa aming gilid at umorder agad ang kaibigan ko. Hindi ako umiinom pero nalasahan ko na ang iba pang matapang na inumin. Sa mga party na nadaluhan ko ay sanay na ako.

"I ordered vodka! Paborito mo iyon diba?" tanong ni Jeni sabay halakhak. Nalukot ang mukha ko sa sinabi nito kapagkuway tumingin sa ibaba kung saan nandoon ang may di kalawakang stage. May drumsets ng nandoon at dalawang mic stands sa harap. May mga nag-aayos ng iba pang musical instruments.

"Hmm, baka maya-maya lang ay magsastart na." sabi ni Jeni sabay sulyap din sa ibaba. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng aming pwesto. Sa di kalayuan ay may dancefloor at hindi naman masyadong matao. Maya-maya lang din siguro ay mapupuno na rin iyon.

Ilang saglit lang ay dumating na ang inorder ni Jeni kasabay din nun ay ang pagtunog ng mic at ilang strumming ng gitara.

Natigilan ako sa pagkuha ng aking inumin at nilingon ang baba. Humina ang malakas na tugtog na aking naririnig sa aming pwesto dahil pumainlang ang strumming ng gitara. Ilang saglit lang ay natigil na nga nang tuluyan ang ingay at halos lahat ay napapatingin sa baba. Huminto ang tunog ng gitara at mula sa isang gilid ng stage ay lumabas ang mga miyembro ng banda. Marami agad ang naghiyawan sapagka't sino ba namang hindi? Ang lahat ng miyembro ay may hatid na ibang karisma lalong-lalo na sa babae.

Namataan ko ang huling lumabas na si Helion. Itim na hapit na t-shirt ang kanyang suot at simpleng itim na pantalon. Lalo ko tuloy napagtanto kung gaano kaganda ang hulma ng kanyang katawan. For his age, he had everything in all the right places. Sa kaniyang mukha maging sa kanyang buhay. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya agad.

"Yung crush mo!" Binundol ni Jeni ang aking balikat na aking ikinagulat dahil kanina lang ay magkatapat kami at nakapagitna sa amin ang mesa.

Nag-init ang pisngi ko nang may kaunting ngiting sumilay sa labi ni Helion. Mas dumami ang hiyawan lalo na ng nagpakita ng kaunting bahagi ng tiyan ang isa nilang kasama. Nakita ko ang pagtawa ni Helion at pag-iling bago pumunta sa kanyang pwesto. Hinapit niya ang mic stand palapit sa kaniya. Hinawakan nya ang mikropono na parang doon nakadepende ang buhay niya.

Sa unang patik ng drumstick ay agaw atensyon na agad ito at sinundan nang sunod-sunod na tunog ng drums. Pumainlang ang magandang ritmo kasabay ng ekspertong pagstrum ng gitara.

Sinimulan ni Helion ang kanta. Sa kaniyang boses ay sumiklab ang damdaming aking nadarama. Ang kaniyang paos ay pumainlang sa buong lugar ngunit nanatiling pumaikot-ikot sa aking pandinig. Malamig ngunit naghahatid ng kakaibang sensyasyon. Pinagmasdan ko siya habang nakapikit ang mata at dinadama ang bawat salita at linya ng kanta.

Can we create something
Beautiful and destroy it?
Nobody knows I dreamed about it,
This is my imagination.

"Ang ganda ng boses niya!" rinig kong tili ng isang babae na di kalayuan sa amin. Kahit si Jeni ay siniko ako at palihim na ngumisi. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin kay Helion na kumakanta pa rin. Ngayon ay nakamulat na ang kanyang mata at ang pansin ko ay nasa kanyang daliri na mistulang naging drumsticks habang tinatapik ang mikropono.

Binasa niya ang kaniyang labi bago ngumisi at nagpatuloy sa pagkanta. He was the most gorgeous man in this room, in this swarm of people. Hindi ko iyon maipagkakaila.

"Thank you for having us tonight! We are Absinthe and we'll be playing here week by week. Stay and jam with us as we let you go drunk all night!" ani ng isang nakahawak ng bass guitar. Sobra akong nawala sa aking atensyon na hindi ko namalayang tapos na ang kanilang pagtugtog at nagpapakilala na silang lahat.

Hiyawan ang pumuno sa loob habang nagsisimula na naman ang panibagong kanta.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon