Level 100

2.7K 110 114
                                    

Ingay ng mga nagkakagulong tao ang gumising sa'kin. I  almost forgot, wala nga pala ako sa bahay.

Mabilis akong tumayo ng kama ng maabutan na ako nalang ang tanging natutulog. It's only five in the morning, alas sais ang normal na bangon namin dahil madalas ay alas syete nagsisimula ang laro at pagod kami palagi.

Pang apat na araw ko ngayon dito pero pakiramdam ko ilang taon na kami nakakulong sa malaking seldang ito, hindi sigurado kung ano ang naghihintay sa'min sa labas, o kung makakalabas pa nga ba?

We sure have powers to protect ourselves. Pero alam ng lahat na hindi sapat 'yon dahil higit na mas makapangyarihan ang nasa likod nito at alam namin na hiram lang ang mga kapangyarihan na ito, na kahit kaylan ay maaaring mawala.

But I want to know their reason, why did they intentionally invite me to play this game?

Anong mapapala nila, anong dahilan nila?

If they were my guardian, bakit nila ako nilagay sa kapahamakan?

Ang hirap. Hindi ko pa rin matanggap kung anong relasyon ko sa kanila. Paanong wala akong maalala. Kaylan iyon nangyari kung malinaw sa memorya ko na dito ako simula pagkabata?

I know them since I was young. Pero bilang kaibigan ko, hindi gaya ng sinasabi nila.

Baka naman... Hindi ako ang tinutukoy nila?

Bigla akong nakaramdam ng kirot na naisip. 'Yon na nga lang ang nagdudugtong sa amin, paano nalang kung hindi pala ako? Mawawala silang lahat sa'kin.

Napailing ako sa naisip, tama na ang pag iisip hindi ito ang tamang oras para dito.

Pinihit ko pasara ang shower at agad kinuha ang aking tuwalya para magpatuyo. We still have a long day ahead. Ano kaya ang naghihintay sa araw na ito?

Ilang sandali lang ay natapos din ako. Lumabas ako kaagad para silipin ang nangyayari sa labas. Habang lumalapit ako sa gitna  lalong lumalakas ang ingay. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

Lalo na ng may biglang sumigaw ng malakas, napatakbo ako papunta sa pinangalingan ng ingay.

Natuod ako sa kinatatayuan ko ng makatapak ako sa gitna ng palapag na ito, kung saan gaganapin ang level three.

"W-What-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napaluhod ako sa panghihina sa nakita.

"Lex!" Mabilis akong dinaluhan ni Athena ng makita ako, nanghihina ito at kita sa mata niya na tila kanina pa siya umiiyak.

"S-Sino yan?" Nanginginip na turo ko sa lalaking nakasabit sa itaas, nakatali ang leeg, wala ng buhay.

Puno ng dugo ang kanyang katawan, mukhang pinahirapan bago mamatay. Halos hindi na makilala ito o ayaw ko lang maniwala na kilala ko ang nakikita ko.

"L-Lex, wala na si Amiel." Humahagulgol na sabi ni Athena.

"H-He left us, h-he left me." Nanghihinang sabi nito kaya agad ko siyang dinaluhan.

"Shh, hindi siya yan." Pag kukumbinsi ko dito. Pagkukumbinsi sa sarili ko.

"It was him. Amiel is dead." Naninimbang na sabi ni Karius ng iupo ko si Athena sa silyang katabi ni Kagame na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa bangkay ng lalaki.

"N-No! Anong Amiel? Hindi siya yan! Kausap ko lang siya kagabi!" Halos humawak ako sa railings para lang makalakad ng maayos at makalapit dito.

"Levi." Malakas na hinila ako ni Karius dahilan ng paglayo ko sa lalaking pinagkakaguluhan ng lahat.

"Bitawan mo ko Karius. G-Gusto kong siguraduhin, baka naman hindi siya yan!" Pag sigaw ko dito.

"He's gone, stop it, Levi." Mariing sabi ni Chino.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon