Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

CHAPTER FOUR

74.7K 2.2K 78
                                    

Jade decided to stay out the whole day. Pinuntahan niya ang abogado at muling kinausap sa kung ano ang dapat gawin. Umuwi na lamang siya kinahapunan pagkatapos dumaan sa grocery store.

She didn't know why going home gave her chills. Nakikini-kinita niya kasi ang binatang iniwan kaninang umaga na apron lang ang suot.

Nakahinga siya ng maluwag nang hindi ito madatnan sa bahay. She went down the kitchen after changing clothes.

Hindi niya pinakialaman ang kahit na anong supplies na nandoon. Ginamit lang niya ang mga pangluto na alam niyang nandoon na dati sa bahay. Naalala niya dati kapag nagbabakasyon sila roon, lagi silang pinipigilan ng tiyuhin na tumulong sa kusina. May mga maids kasi noon.

Naalala niyang pati ang asawa nito ay sinasaway siya noon na tumulong sa gawaing bahay. She was a nice woman. Nakakapagtaka na parang wala man lang namana ang anak sa kabaitan ng ginang.

"Wala ka rin talagang balak umalis sa bahay ko 'no?"

Napapikit siya ng mariin nang marinig ang boses ni Kenji. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng karne para sa lulutuing adobo.

She slowly turned around to see him. Nakatayo ito sa pintuan ng dining area. There is an island counter between the kitchen and the dining area but she could still see his full length.

She averted her gaze immediately. Bakit ba nakalimutan niyang galit ang binata sa damit? He's only wearing black cycling shorts for goodness' sake. Tagaktak pa ang pawis nito sa katawan at mukhang kagagaling lang sa workout. She even blink her eyes to erase the image of his bulging front.

"Wala ka rin talagang balak magdamit 'no?" nang-uuyam niyang tanong. She looked at his face. She made sure her gaze won't go down.

Ngumisi ito nang nakakaloko.

"I am inside my house," he stated.

"Besides I have sexy abs worth showing off," he added grinning. Nagsalubong ang kilay niya.

"Sexy abs, my ass!" she murmured. Tinalikuran na lamang niya ito at itinuloy ang paghiwa ng karne.

Sexy abs? Oh? Eh di wow!

Napakurap pa siya habang itinutuloy ang ginagawa. His body is well-toned, alright, plus his height. She's 5'4" and he's inches taller than her. May abs nga naman ito. Konti na lang mame-memorize na niya ang bilang.

Mariin siyang napapikit. Wth? Why is she imagining his body?

"Yes, I have a sexy ass, too," Kenji chuckled. Hindi niya alam kung hindi nito narinig ng maayos ang sinabi niya o nangbubuska lang talaga.

"Get lost!" she said and shook her head. Narinig niya ang pagtawa nito. Hindi na lamang siya nagsalita.

She continued preparing the ingredients of her recipe. Nanatili siyang nakatalikod sa direksyon nito. Nang maramdamang tumahimik ang paligid at nawala ang presensiya ng binata saka siya muling lumingon.

She almost held her chest when she saw him leaning at the edge on the kitchen counter. Nakatunghay ito sa ginagawa niya. May sa pusa yata ito. She didn't even hear his footsteps.

"Masarap ka bang magluto?" tanong nito.

She didn't answer his question. Inayos na lamang niya ang mga gamit pangluto. Naaasiwa siya na may hubad na lalaking nakatingin sa kanya. Pambihira. Ano ba itong napasok niya?

Kapag nakahanap siya ng trabaho, aalis na lang siya. Baka mapahamak pa siya kapag nanatili siya. Paano pala kung maniac itong Kenji na 'to?

She momentarily closed her eyes. Paano na ang bilin ng tiyuhin niya na alagaan ang bahay?

ChimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon