Chapter 29

116K 2.5K 937
                                    

     

                                       *****

Halos sumubsob na si Clarisse sa isang garbage can dahil sa bumabaliktad na sikmura. Umiikot ang kanyang mga paningin habang walang humpay sa pagsusuka. Samantala, si Pierce naman ay natataranta sa kakahaplos sa likod niya habang inaabutan siya ng tubig.

"Drink," utos nito matapos ang ilang minutong pagsusuka niya.

Pinahiran ni Clarisse ng tissue ang bibig. Pagkuway tinanggap ang iniaalok sa kanyang tubig at ininom ito ng dire-diretso. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim. Nang makabawi ng lakas ay binigyan niya ng matatalim na titig si Pierce.

"Ito ba ang sinasabi mong date?!" sumbat niya.

"I'm trying something new here. You know that I haven't been into a wholesome date before," he explained while shrugging.

"And this is the most wholesome date that you can think of. Ang dalhin ako sa amusement park? What's this place, Star City?! My god I'm wearing stilettos and a pencil skirt tapos pinasakay mo ako sa roller coaster!" namumula sa pagkapikong wika ni Clarisse.

"Google suggested that if I want to give a memorable date, we must experience things we usually don't do," mahinahong pahayag ni Pierce.

Napangisi si Clarisse at pinamewangan ang lalaki. "Hah! At nag-google ka pa sa lagay na yan! A high schooler can even make a better date than this. We had dinner sa pipitsuging foodcourt. Pinaglakad mo ako ng pinaglakad sa kahabaan ng Manila Bay habang hirap na hirap ako sa mga heels ko. And now what? Kinarag-karag mo akong sumakay sa roller coaster na yan! Ano masaya ka na na naisuka ko lahat ng kinain ko?!"

Napapangiwing ipinasak ni Pierce ang hinliliit sa kanyang tenga. Kanina pa walang tigil ang bunganga ng kasama.

"Ano bang pumasok diyan sa utak mo para gawin to sa akin ngayon?!" patuloy pa rin ng abogada.

"You told me to prove myself. I'm starting to take the challenge," walang pag-aalinlangang sagot niya.

Natawa ng mahina si Clarisse. "Prove yourself? Don't make that an excuse. Ang sabihin mo isa lang ito sa mga paraan mo para itorture ako!" panunumbat nito habang pinandidilatan ang kasamang ni hindi man lamang makitaan ng senyales na apektado sa kanyang panggagalaiti.

"Are you done vomiting?" he asked calmly. "If you're feeling better now. Let's go back inside."

"Bumalik kang mag-isa mo! Sa tingin mo sasama pa ako sayo!" namumulang singhal ng abogada sabay mabilis na naglakad papuntang parking lot.

"Hey where are you going?" wika ng lalaki habang sinusundan ang nagwawalk-out na kasama.

"Saan pa? Eh di uuwi na!"

Pierce stopped walking to get a cigarette from his pocket. "You can't. The car keys is with me," relax na relax na sabi nito .

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon