"Saan ba kasi tayo pupunta?" Nakaka-ilan na tanong na yata si Alisson kay Liam pero wala pa rin siyang nakukuhang matinong sagot mula sa kasintahan.
"You'll see when we get there, baby." Anito, sa tonong naaaliw.
Sino ba naman nga kasi ang hindi maaaliw? She's on the blindfold right now. At hindi niya maintindihan kung bakit at para saan iyon.
Matapos nilang mag-usap at magka-ayos ay niyaya siya ng lalaki na umalis na ng islang iyon at huwag ng ituloy ang pag-a-island hopping. May iba raw kasi silang pupuntahan. Pagkatapos niyon, pagkasakay niya sa kotse nitong nakaparada sa may pantalan ay kaagad siya nitong sinuotan ng piring at sinabihan na huwag iyong aalisin hangga't hindi sila nakakarating sa pupuntahan.
Hindi na lamang siya muling nagsalita at hinintay na lang na makarating sila sa paroroonan.
May ilang minuto pa silang nagtagal sa byahe bago niya naramdaman ang pagtigil ng kinasasakyan. Pinakiramdaman niya ang paligid. The place where they are right now, is a quiet one. Mas lalong lumakas ang kuryosidad niya na makita at malaman kung saan siya dinala ng kasintahan.
Pinagbuksan siya ni Liam ng pinto at maingat na inalalayang makababa. Maging sa paglalakad ay nakaalalay ito sa kanya.
Aba! Dapat lang! May pa-piring pa kasi itong nalalaman dyan. Kaya dapat lang talaga na alalayan siya nito. Mamaya niyan, matalisod pa siya at masubsob sa nilalakaran. Maging katawa-tawa pa siya sa paningin ng lalaki. Pwede naman kasing wala na lang.
"Bakit sobrang tahimik? Nasaan ba talaga tayo?" She asked but the man didn't answer her. Humigpit lang ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "H—hindi mo naman ako ihuhulog sa bangin, 'di ba?"
Now she's nervous.
Paano kung bangin pala itong pinagdalhan sa kanya ni Liam? Itatapon ba siya nito sa bangin? Itutulak? Kung, oo, bakit? Ayos na naman sila, 'di ba? Galit pa rin ba ito sa kanya?
Hindi pa rin ito sumagot.
Kinakabahan na talaga siya. Gusto na niyang maiyak dahil sa takot.
"Liam naman!" Halos pasigaw na niyang untag dito. She can hear her own voice, terrified. "H—hindi na ako natutuwa!" Kulang sa konbiksyon niyang sigaw dito.
Makailang beses siyang napalunok kasabay ng lihim niyang pag-usal ng dasal.
Ayaw niyang isipin na kayang gawin ni Liam ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon pero sa ginagawa nitong pananahimik, mas lumalakas ang pangamba niya na totoo ang kanyang hinala.
She bit her lower lip as her breath started to get heavy. She can't think straight anymore. Sobrang nangingibabaw na sa kanya ang takot na halos panlambutan na siya ng tuhod. Pasalamat na lamang siya at mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay dahil kung hindi ay baka kanina pa siyang nabuwal mula sa paglalakad.
Gustung-gusto na rin niyang alisin ang nakaharang sa kanyang mga mata pero hindi niya magawa dahil nga sa parehas nitong tangan ang kanyang mga kamay.
But then, her heart almost stop beating when they stopped walking and the man let go of her hands.
Pinagana niyang mabuti ang kanyang pandinig.
"L—liam?" She really can't help but to sound so scared right now.
Ayaw niya talaga sa mga ganito.
Ayaw niya na pinipiringan siya para sorpresahin o kung ano pa mang may kinalaman sa kung bakit kailangang piringan ang isang tao. Pakiramdam niya kasi, anumang oras ay may mangyayaring hindi maganda sa kanya o sa paligid niya.
"Relax, baby." Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit na pagtama ng hininga ng lalaki sa kanyang tenga dahil sa ginawa nitong pagbulong. "I'm not gonna do any harm to you. I just want to show you something."
BINABASA MO ANG
BOSS Series 1: My boss, His daddy
RomanceHindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, sapat na iyon sa kanya. Hindi man siya kagaya ng iba na may mataas na pangarap sa buhay, alam n...